Super antok kanina paguwi. Mahili-hilo pa. Weakness ko kasi, na bumpy ride sa bus samahan pa ng biglang pag-ambon lang. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahihilo pag ganun, siguro sa hangin na rin (na sabi nila madalas magkasakit pag ganung exposed kasa lupa na naulanan). Muntik na akong masuka pa kanina.
Pagkauwi, kumain lang sandali ng tinapay at nakatulog na rin sa sobrang pagod. Ka-text pa rin sina pareng B, J, M. Kulit ka-text mga praning sa tambak ng mga messages. Hayz, me sakit din si AMD. May sore throat at kaunting lagnat pero sana maging Ok na rin siya. Matigas rin kasi ang ulo nun, takot sa medicines kaya tubig na lang. Pareho kaming nakatulog. Nagising kanina, as usual sa ingay pa rin ng sa amin. Grabe ang init, buti nalang nakatulog ulit.
Pagkagising resume na naman ang kulitan ng mga text messages hanggang sa pagpasok. Iyon naman ang usual routine ko para maximize ang time ko, text nang text lang. Dati kaming tatlong lang nagtetext, kanina sumama na rin sina Marco at Yanah. Katawa dahil si Jay umabot na sa 165 text messages ilang oras palang iyon. Hehe! Paano kasi puro GM (group message) ang usapan kaya pag hindi mo binasa tatambakan ka talaga. Panigurado ako din ngayon pagbukas ko ng phone ko. Grabeng mga spammer ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 04.13 WallPost
Post a Comment