Ala eh!

Sunday. 8am na ako nagising. Late na ako sa meetup namin. past 9am na ako nakaalis sa amin. Around 10am na rin nakarating sa bus liner. Kainis sobrang init. Napawi ang init sa lamig ng bus, ilang minutes rin naghintay. Past 11am na umalis ang bus pero hindi pinuno. First time kong pumunta sa Batangas, kaya todo text ako kung anu-anong mga landmark ang kailangan tingnan.

Dumaan na ang bus palabas ng Metro Manila then sa Laguna, then Batangas na. Masasabi kong ilang taon pa ang kailangan para madevelop ang lugar na ito commercially, pero kung ako ang tatanungin mas gusto kong ganito nalang siya at wag nang magbago. Nakakatuwa kasi parang malaking Farmville ang dinadaanan namin. Mga baka, ibon halo-halo na parang nasa ibang mundo ka malayo sa madumin at maingay na Maynila.

Inaliw ang sarili sa panonood ng palabas sa bus, "High Lane" ata ang title nun. Usual hack and slash thriller type ng film, na naiba lang eh dahil mountaineer sila pero in the end patayan na rin. Dumating ang tanghali, halos magaala-una na nang dumating ako sa Batangas Diversion, wala pa siya. Tinawagan. Nag-antay sa may Alps Liner. Dumating na siya mga ilang minuto, ayaw kasi siya payagan ng mga kaibigan niya na umalis. Kumain sandali sa isang mall. Usap sandali.

Then balik jeep ulit, punta sa Taal Church. Picture kaunti. Pahinga. Unting usap hehe. Nagtagal rin kami ng ilang minuto dun. Gusto pa nga namin umakyat sa tore niya kaso hindi na pwede dahil may misa na daw. Ang cute ng tanawin sa Taal, maintain nila ang "ancestral" house na panahon ng Kastila pa, ultimo ang 7-11 na malapit eh gawa din sa ganun (halos!). Then wala nang mapuntahan. Iniisip ko, "Hmm, malapit lang ang lake dito diba? (Taal -> Taal Lake), iyon pala eh mali ako kasi nasa ibang side pa pala iyon at sa bandang Tagaytay nga. Meron daw malapit na beach sa lugar namin sumakay na kami ng tricycle.

Nilanggam kami sa loob ng sasakyan, sa kiss at hug. Hindi alintana kung tumitingin ba si Manong o hindi. Nakarating sa beach, waa! Ang daming tao, saka alanganin ang paglagay ng cottage nila, hindi pa naman planado iyon at naka jeans pa kaya kami. Tinaas nalang namin, naglakad-lakad. Inaantay ang paglubog ng araw. Magkayakap. Ang tahimik ng eksenang iyon, parang tumigil ang mundo sa pagikot. Napakapayap ng dagat. Ang malumanay na paghampas ng tubig sa dalampasigan. Perfect moment. This is one of the best moment of my life, iniisip ko sa sarili ko. Sana nga hindi na lumipas ang oras nang mga sandaling iyon.

Pinapanood ang mga mangingisda at mga nagaayos ng lambat habang papalubog na ang araw. Gusto sana namin maligo kaso wala kaming dala. Napagpasyahan na umuwi na matapos ang ilang minuto. Nagawa ko pang makipagkulitan (cuddling na rin) sa kanya. Ang haharot namin hehe na parang mga bata. Kakatuwa ang eksenang iyon. Hirap sumakay palabas dahil kaunti lang ang jeep. Mga 8pm nakasakay na ako ng bus pauwi sa Cubao. Nag-tetext pa rin kami. Nagpapasalamat sa araw na iyon na nagkita ulit kami at nagsama. Hatinggabi na ako nakauwi. Pero merong ngiti sa aking mata hanggang sa pagtulog. Ang sarap-sarap talaga pag kasama mo ang mahal mo.

2 Reaction(s) :: Ala eh!

  1. reminds me of the movie "walang kawala."

    nagboom boom pow sa may mga bangka...
    nyahahahah!!

  2. hala. hindi kaya. kaw talaga. tinago ko na nga ang post na ito. nakita mo pa rin! hanep!