Habang binabagtas ko (syempre sakay ng jeep) ang daan patungo sa Quezon City. Bigla nalang nagkaroon ng munting flashback sa nakaraan. Siguro dahil na rin kaaya-ayang kundisyon ng kapaligiran. Ang takip-silim. Ang malamig na simoy ng hangin. Ang sasakyan. Naalala ko tuloy ang buhay kolehiyo ko. Ganitong oras din ako kasi umuuwi habang nag-aantay sa super habang pila na minsan hinahanti na sa ilang column para lang hindi maabala ang ibang nasa kalsada. Na-miss ang mga classmate ko, ang makukulit na tropa na "Parokya ni Edgar" ang kinahuhumalingan. Ang joker ng barkada si Mark at si Chowmaster. Pag kasama sila, ikaw ang bibigay sa sakit ng tiyan mo kakatawa. Ang mga girls na rakista. Ang mga boys na puro Counterstrike ang nilalaro.
Then naalala ko rin ang PS boys, nung kasikatan ng Playstation nung mga panahon na iyon. Tuwing weekends, maaga palang kinakatok na namin ang bahay nila Cy para makapaglaro na at makarami. Pag umaga kami ni Ryan ang laman ng shop naglalaro ng VGRPG like Legend of Legaia, FF7, Star Ocean etc. Pag dumating sina Rene, Resident Evil naman - kakatawa kasi minsan natataranta si Rene kakahiyaw namin habang nasa kalagitnaan ng boss fight. Naaalala ko pa ung malaking alligator sa sewer, taranta si Rene nun at hindi alam ang gagawin. Pag gabi naman, oras na ng may-ari ng shop - maglalaro ng Silent Hill, nakapatay pa ang ilaw. Takutan at gulatan pa lalo na pag malakas ang sound.
Nakakatuwang balikan ang mga masasayang sandali. Nakakagaan ng pakiramdam pag minsan stressed out ka na. Malabo mang maulit mga ganung sandali. Andito pa rin siya sa puso mo na magsisilbing magagandang alaala ng lumipas na panahon.

Alligator sa sewer -- Resident Evil 2 yan! Haha. Hihintayin niyo hanggang makain niya yung gas canister tapos saka babaralin para sabog. Haha
Nox
April 13, 2011 at 9:36 PMsarap mag-adik :D masaya rin pag multiplayer gaya ng Nintendo :D
Raul
April 14, 2011 at 6:27 PM