Umalis sa office at around 7am. Meron hindi inaasahang pangyayari kaya hindi nakasama si Elias sa biyahe. Nauna na si MP umalis (5am schedule), pagdating ko sa terminal. Ang haba ng pila. Hindi ko inaasahan na ganito. First time ko pa kasi mag provincial bus kaya hindi ko alam na ganito pala. Pumila na rin at ininda ang init ng panahon. Akala ko may 9am na biyahe pang available, wala na rin at pang 10am ang natira. Bumili na rin ako ng ticket.
Medyo nagutom dahil almost an hour pa ang aantayin ko. Kumain sa isang fastfood bitbit ang super bigat na sportsbag. Text sina Yanah at MP tungkol sa nangyari, at nagtanong iba pang mga gagawin before and during the rides. Nakasakay na rin sa bus at 10am, seat #46, kala ko naman nasa 2-seat ako, iyon pala nasa pinakadulo at gitna pa. Kung mamalasin ka nga naman. Hehe! Hindi ko pa gusto ang mga katabi ko. Tapos alanganin pa ang pwesto ko. Nangawait talaga ako hindi pa nakakalayo ang bus sa EDSA.
Hindi ako sanay na nakakaidlip sa bus kaya eto pinanood ko nalang ang tanawin sa labas kahit may nakaharang. Dumaan ang ilang oras at stopover, bumaba na rin ang ibang pasahero kaya nakaluwag-luwag ako ng uupuan. Namangha ako sa kanayunan lalo na nang makapasok kami sa La Union tapos Benguet na. Paakyat na kami, yay! Sayang nga lang at medyo lowbat na ako kaya todo tipid sa pagte-text sa iba kong berks. Na habang nasa biyahe ako eh bumibili naman sila ng ticket papuntang Mindoro at ibinili na nila ako.
Gaya ng inaasahan, dumating ang bus nang bandang 4pm. Nag-text na ako kay Mami Yanah, sinabi niya na dun na ako bumaba sa hotel na tutuluyan namin pero nakalagpas na siya kaya naman sa terminal na niya ako sinundo. Nanibago lang ako dahil ang mga FX na akala ko eh Taxi pala dito. Kaunting pagbabago lang sa klima ang naramdaman ko, tama nga sila. Hindi na gaano kalamig ang Baguio, dahil na rin siguro sa dami ng tao, gusali at climate change na rin.
Tumuloy na kami at namalagi sa Blue Mountain Hotel na nasa Palispis Highway. Akala ko sa bahay ni Mami kami tutuloy pero nagkaroon ng aberya kaya naman dito na kami tumuloy. Umalis kami at pumunta sa "kabayanan" para kumain. Dinala kami ni Mami sa Good Taste resto kung saan balita na marami ang serving ng food nila. At hindi nga kami binigo at nagulat ako na sa halagang 150Php, eh mga 8 piraso ng buttered garlic chicken na specialty ng resto at marami rin ang fried race nila.
After kumain, dumaan sa Burnham Park, pero madilim na kaya hindi rin namin na-enjoy ang lugar. Kaya naman gumala lang kami at nilibot ang buong lugar. Nakakalito sa Baguio, bawat ruta ata sa Baguio eh may naka-assign na jeep. Umuwi na rin kami matapos ang kaunting pa-picture. Naligo. Nagpalit ng damit. Kaunting usap. Nood ng TV. And called it a day.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Teh City of Pines (Day 1)
Post a Comment