Nagising ng umaga. Eto nanibago na naman kasi hindi talaga ako sanay na mamalagi sa ibang bahay eh hotel pa kaya. Hindi nakatulog si Mami dahil sa lakas ng hilik ko. Pasensya naman. Hehe! Ang lamig lamig ng tubig. Kaya no choice at heater ang ginamit. Ok naman kahit papano ang natuluyan namin. Sapat lang para sa amin at mababait naman ang staff. Nakahanda ang mga pinggan, baso, hot water etc. Bumalik muna si Mami Yanah sa kanila para asikasuhin ang kanyang mga chikiting. Kami naman iniisip namin ang posibleng puntahan. Grabe ang lamig pag umaga, parang December sa amin. Matapos mag almusal nang kaunting, napagpasyahan na naming umalis ng hotel.
Una naming dinaanan ang lugar ang Mine's View Park. Parang tiangge sa Baguio dahil sa halo-halong tinitinda nila na magmula sa jams hanggang sa native bags. Pwede ka ring magpa-picture sa mga St. Bernard breed of dogs. Magsuot ng Igorot costume kasama na rin ang palaso atbp abubot.
Pagkatapos ay sa Baguio Botanical Garden naman kami nagpunta. Sari-saring halaman ang andun kasabay ng ibang miniature na tanawin na makikita sa ibang bansa gaya ng malaking Torii, Buddha sculpture sa daraanan mo. Meron ding mga katutubong bahay at mga imahe ng mga Igorot.
Pangatlo naming pinuntahan ang Philippine Military Academy, Kuta Del Pilar. Medyo strikto nga lang dahil na rin sa isa itong military installation at hindi lahat ng parte nito ay bukas sa publiko. Matapos magbigay ng ID, naglakad na kami papasok sa PMA. Namangha ako sa sobrang katahimikan ng lugar na ito kasama na rin ang mga punong nagtataasan. Dumaan kami sa Alumni Memorial katabi nito ang gallery ng mga sasakyan na ginamit noong nakaraang mga digmaan kasama na rito ang iba't-ibang tangke at machine guns. Naglakad pa kami nang kaunti pa hanggang sa makarating kami sa Aviary. Malapit nang gumabi kaya napagpasyahan na naming tapusin na ang paggala at umuwi na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Teh City of Pines (Day 2)
Post a Comment