Saturday morning. Pahinga lang sandali tapos biyahe ulit sa Megamall para meet si Jayjay. Kumain muna dahil super gutom na rin ako. Ngayon lang ulit kami magkikita kita pagkatapos nang birthday niya na celebrate namin sa bahay niya sa Laguna. Nood ng movie "Here comes the Bride" habang inaantay si Christian. Kulit ng movie na iyon. Puno ang sinehan at tawa nang tawa ang mga tao.
Pagkatapos manood, punta sa Chowking para kitain si Christian. Supposedly kina Jason ang punta namin pero dahil may kasama siya nung mga oras na iyon, balik sa original na plano na kina Marco ang punta. Dumating si Marco mga ilang minuto pagkatapos dumating ni Christian. Usap sandali. Binigay ko kay Christian ang spare USB ko at kinuha ko naman sa kanya ang aking California Maki (*yum*).
Bumili muna ng snacks at sumakay na sa MRT. Grabe ang init ng panahon talaga. Napawi ang init nang nakasakay na kami sa loob ng train. Bumaba sa Quezon Ave., pumasok sa Centris Mall para palamig, tapos sumakay na sa jeep biyaheng UP. Mga ilang minuto rin nag-antay. Sobrang init. Paypay ako nang paypay. Nakarating kami sa bahay kubo ni Mark bandang alas-7 na ng gabi.
Mark palitan mo na yang fan mo, mag industrial ka na. Hehe. Hindi makasingaw kasi ang init sa pad niya kaya naka topless na kami sa loob. Naghapunan at nagpahinga na, kaunting usap-usap. Pakialaman mga gamit niya, pati na mga CD, mga keychains. Salamat nga pala sa vitamins Mark, sa uulitin. Hehe! Umikot kami sa area nila at nagpaantok lang.
Ala-una na ako nakatulog, pasensya na guys sa malakas na paghilik ko. Hindi ata kayo nakatulog hehe. Alas 8 na ng umaga nagising kinabukasan. After mag merienda, gumala muna at pa-picture sa may UP Diliman bago kami nagkahiwa-hiwalay bago mag tanghali. Salamat po sa bonding guys. Sensya kung mabilisang update lang ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: BahayKubo ni MP
Post a Comment