Maaga nang 30 minutes umalis sa bahay. Nauna na ako naligo at nagbihis para pagkatapos ng Naruto eh diretso alis na ako at nang hindi ako nagmamadali palagi pagpasok. Medyo umaambon na nang umalis ako sa amin. Nag-offer ang kapatid ko na magdala daw ako ng payong. Hmm. Hindi na ako nagdala at wala naman akong dalang bag.
Hanggang sa tahakin ko ang daan papuntang Quezon City, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Kakainis, dapat sinunod ko nalang ang advice ng kapatid ko na magdala ng payong. Maliit pa naman ang towel na dala ko. Nang malapit na sa MRT supposedly magpapatila ako sa waiting shed, bigla namang nawala siya parang bula. So sa U-Turn slot nalang sa ilalim ng MRT ako bumaba.
Naglakad hanggang sa overpass. Nag-antay sa middle part at nag-aantay tumila ang ulan. Pinapanood ang mga taong dumaraan na may payong. Mabenta ngayon ang mga payong at si Ate tiba-tiba at sa loob lang ng 15 minutes nakabenta na siya ng 4 pieces na payong, todo ngiti at kumuha ulit siya ng 4 sa bag niya. Ako naman dahil sa 7.30pm na, napilitan na ring bumili ng payong at baka ma-late pa ako.
Kainis talaga, hindi kasama sa budget ko ang pagbili ng payong na yan na ilang weeks lang eh sira na agad. Wala naman akong magagawa, papasok na ang tag-ulan at kailangan handa palagi dahil hindi mo alam kung kailan uulan o hindi. Nang dumaan na ang MRT sa Buendia, walang kaulan-ulan or naulan lang siguro nang maaga at basa lang ang lupa. Pakunswelo lang nitong ulan na ito, ang dala niyang lamig kaya hindi ako pawisan na pumunta sa office. Next time, magdadala na ng payong para hindi ma-perwisyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Kot enda Midel
Post a Comment