Ang inaasahan at sinusundan naming itenerary hindi nasunod, imbes na makarating kami sa Lucena Port before noon. Hindi nasunod. Ang supercat by 10am. At ang Roro by noon. Hindi namin naabutan pareho. 4pm pa ang next schedule ng supercat kaya wala naman kaming nagawa kundi mag-antay sa port. Kumain ng snacks at lunch. Kaunting pa-picture.
maasahan ka talaga, salsa and chips
Around 3.30pm nagpasakay na sila. Dali-dali naman kaming nagunahan sa pagsakay. Dahil na rin sa pagod naka-idlip ang karamihan sa amin.
Jinji, Kuya Vic, Sir Marc at Ms Vien
Almost 2hrs ang biyahe hanggang sa Kawit Port sa Boac. Mga past 5pm na kami nakalabas. Sumakay na kami ng jeep para pumunta sa bahay ng officemate namin na dun nakatira ang mga magulang. Mga past 6pm nakarating kami sa bahay, kumain sandali. Mga ilang minuto pa umaalis rin kami papuntang Poctoy White Beach dala ang ilang pagkain at gagamitin namin sa pagluluto.
Ok ang bahay na narentahan namin. For Php 1500, grabe todo tipid na, bukod pa sa andyan na ang mga utensils na kakailanganin mo, maganda at maluwag ang room. Kasya ang 10-15 katao. Na parang apartment mo na for a day. Nagkaroon din kami ng pagkakataon kuhanan ng larawan ang Morion kung saan tanyag ang probinsya pati na rin ang pagsusuot nito.
ang mga Morion na makikita tuwing kapistahan ng Moriones
Jack Sparrow, Jacko, Batista at Mr. Bean Morion
kuya Vic, in full battle gear!
Jinji and Dei
giant pusit na aming inihaw
Pagkatapos kumain, ang iba sa amin ay nakatulog na pasado alas-2 ng umaga. Habang ang iba naman sa amin ay tuloy pa rin sa paliligo. Ang ganda ganda ng beach dito sa Marinduque, sayang nga lang at hindi masyado na pro-promote. Kung gabi, maligamgam at tubig kaya ang sarap sarap lumubog dito. Hindi gaano kaalatan ang tubig-dagat. Malinaw pa ang mga ito at kahit gabi kita mo ang buhangin sa paanan mo. Mga alas-4 na ng umaga nang ako'y umuwi at nakatulog at naghihilig sa upuan.
0 Reaction(s) :: Sleepless in Marinduque (Day1)
Post a Comment