Congratulations nga pala sa bagong halal na Mayor ng aming bayan na si Ka Elyong Hernandez at sa kanyang Bise-Mayor na si Jonas Cruz. Nawa'y maging liwanag kayo ng ating bayan tungo sa pag-unlad at pagbabago. Tapos na ang panahon ng nakaraang trapong mayor na walang ginawa kundi gamitin ang kapangyarihan na pangangamkam ng kaban ng bayan.
Natapos na rin ang mahabang panahon ng tag-init kung at papasok na ang tag-ulan. Honga malamig na ang panahon at hindi na ako magkakabungang araw, pero balik na naman ang perwisyong baha kahit kaunting ulan lang, mauulit na naman na mapapasukan na naman kami ng tubig-baha sa looban at patuloy pa rin ang tulo sa bubong ng aming bahay. Hayz, ngayon palang anung oras na ako nakakapasok dahil sa tuwing paalis na ako, saka naman bubuhos ang malakas na ulan at aabutin na ako ng baha sa puntong kailangan tumawag pa ako ng tricycle para mahatid lang ako palabas sa aming subdivision.
Miss ko na ang mga kaklase ko noong elementary, isipin mo 1995 pa ako naka-graduate dun. 15 taon ko na silang hindi nakikita. Kumusta na kaya sila, may asawa na kaya sila? Nasa Pinas pa ba sila? O umalis na ng bansa? Ok ba ang buhay nila, o naging durugista na sila? Ang unang pagtatangka sa pagkakaroon ng reunion ay hindi naging matagumpay, despite na nagbahay-bahay na kami para lang makapunta sila, wala ring nangyari at kaming lima lang nina Donna, Lani, Kenneth at Jervin ang nagpunta. Sana this time, ma-miss naman nila ang batch at mag-effort na pumunta sa gagawing reunion. Hoy Chris Agda, asan na ang pangako mo na ikaw na ang magsisimula nito,drawing ka na naman.
Nakakatuwa ang progresong nangyayari sa bayan namin. Dati-rati kung tawagin nila ang Montalban eh - the sleeping town or resort town at hindi gaano pumapasok ang mga namumuhunan. Ngayon, meron na rin kaming Town Center at sa ngayon at Annex na tapat lang nito eh partially operational na, kasama na ang pagpasok ng kolehiyong paaralan at isang pang banko. Harinawa'y magsilbing magandang simula ito sa iba pang kapana-panabik na pagbabago sa aming munting bayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Doon po sa Amin
Post a Comment