Bored kahapon. Syempre hindi na naman ako nakapaglaro. Nag-jogging nung umaga. Umuwi at by 7.30am nagpunta sa shop. Update lang sa email, blog, etc. Tanghali na nakauwi. Nakatulog nung hapon. Nanaginip pa tungkol sa isang lumang bahay kasama ang ibang blogger pati na ang mga pusa. Lumang bahay siya, hindi ko ma-gets ano ibig sabihin nun.
Nagising nang gabi mga bandang alas-6 ng gabi. Nanood ng balita. Umalis sa bahay para samahan si bruder bumili ng DVD pati na rin tray ng itlog sa bayan. Kung kelan malakas ang ulan saka naman kami umalis. Ang putik tuloy ng daan. As usual traffic pa rin. Syempre pirated DVD ang binili, namili ng mga TV series, maraming pinagpilian. Since nasimulan na namin ang Legend of the Seeker, season 2 ang binili namin. Then X-File fan naman ako and somewhat related ang Fringe ang dito kaya Season 1/2 naman ang binili ko. To be follow nalang ang Supernatural at Ghosty Whisperer.
Legend of the Seeker, season 2 promotional trailer
Pagkauwi pinanood agad ang Legend of the Seeker season 2, medyo nabitin na nga lang dahil manonood pa kapatid ko ng big night ng PBB. Hmp. Hindi naman nananlo si Ryan, ok sana pag siya ang nanalo. Then pinagpatuloy ang naudlot na panonood ng Seeker. Around 3am na kami natapos manood ng kapatid ko. Hindi ko alam kung iyon naba talaga ang season finale ng show and may balita ako na hindi na itutuloy ang Season 3 ng show kaya nagsilabasan ang ilang campaign like "Save Our Seeker", good luck nalang kung may mapapala sila pero on my part nanghihinayang talaga ako dahil Sword of Truth fan pa rin naman ako at kahit na alter na ang TV series versus the Book gusto ko pa rin matuloy ang TV series niya.
Nakatulog agad ako pagkatapos, hindi na rin nakapag-jogging (hays, paano na ang National Marathon!). Nagising na lang ako past 9am. Nanood muna ng Matanglawin ni Kuya Kim regarding about Philippine Eagle. Then tuloy ang marathon and this time Fringe naman ang pinanood namin. Wala ako masyadong idea sa show na ito ang alam ko lang eh somewhat may likeness siya sa X-Files kaya na-engganyo akong panoorin ito.
First few scenes, ok medyo bored pero habang umaandar ang plot at coming episodes nagiging interesante na siyang panoorin, hindi ko dapat i-compare ito sa X-Files na galing sa Special Cases department sina Mulder at Scully or dahil may sarili siyang division sa kanyang agency (gaya ng Profiler, kung saan sa Behavioral Dept. sila galing). Sa Fringe dept. mismo sila kaya naka-confine lang halos ang mga phenomena related sa areas of concern nila. Muli kong nakita si Joshua Jackson (Pacey Witter sa 90s show Dawson's Creek, Lucas McNamara - The Skills), and talagang bagay sa kanya ang role na ito as Peter Bishop na anak ng isang scientist - Dr. Walter Bishop. Very promising ang series na ito at sa ilang episodes palang ay na hook-up na ako. Baka mamaya mag marathon ulit kami ni bruder at tapusin hanggang Season 2.
Fringe, opening theme [HD]
Fringe is an American science fiction television series created by J. J. Abrams, Alex Kurtzman and Roberto Orci. The series follows a Federal Bureau of Investigation "Fringe Division" team based in Boston, Massachusetts under the supervision of Homeland Security. The team uses unorthodox "fringe" science and FBI investigative techniques to investigate "the Pattern", a series of unexplained, often ghastly occurrences that are happening all over the world. The show has been described as a hybrid of The X-Files, Altered States, The Twilight Zone, and Dark Angel. -Wikipedia
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: DVD Marathon - Legend of the Seeker / Fringe
Post a Comment