"Kung iisipin, ang UP ay isang tumpok lamang ng mga matatandang gusali, matatandang puno, mga espasyong malungkot at mga pader na malikhain. Pero ang buhay, o at pag-ibig, ay maihahalintulad sa pamantasan; lahat ay umiikot, namamangha, natututo, nabibigo, umuulit. Pero kung ano't ano man ang pakay sa pagpunta at kahit naka-ilang ikot na ang jeep na sinasakyan, may oras para umalis at lumisan."
"Alam mo bang malaki ang respeto ng sangkatauhan sa puno? Kapag niyakap mo yan, parang niyakap mo na din ang lahat ng bagay na nangyayari sayo. Makikita mo, gagaan pakiramdam mo."
"Di naman mawawala yang mga problema mo pero ikaw, pwedeng mabago ang pananaw mo sa lahat ng shit sa buhay mo."
"Kung meron man akong natutunan sa araw na yun,yun ay ang apirmasyon na ang buhay ko ay para at laan sa iba. Para sa mga nawawalan ng lakas ng loob, para sa mga nalilito. Para sa mga kailangan ng makikinig, para sa mga may basag na boses at istorya. Totoo, malikhain ang pag-ibig."
-Paglalakad, pagyakap at ang lahat ng nasa pagitan, Elias' Mga Lihim ni Hudas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: He Says
Post a Comment