Weysted

Another Hell day sa office. Nagbalik ang parang traffic sa perennial problem sa office lalo na sa department namin. Ang mga "bulk accounts" na bigla ka nalang gugulatin kung saan pwersado kang mag-render ng Overtime para matapos lang siya dahil hindi siya kaya ng sinusuportahan naming team kaya in the end, lahat ng team ay kelangan mag-OT para ma-shave ang nasa queue nila at hindi out of SLA (Service Level).

Kapagod kasi, ang dami-dami niya at more average na 2 hours ang kailangang i-render. Though OT nga siya at kaperahan. Sa layo nalang kung saan ako nakatira eh super init na pag nakakauwi ako. Kaya hindi lang wasted pagpasok kundi pag-uwi na rin. Pasalamat na lang siguro at walang mga pasaway na document na kailangan bigyan talaga ng panahon. Sana nga lang maubos na siya at nang bumalik na ang lahat sa normal.

Yay! Friday na, makakapag-pahinga na rin ako sa wakas. Kaso hindi ko alam ano gagawin ko sa buong weekend ko. Dahil na rin sa wala nang connection ang friend ko at la pa akong PC kaya hindi ako makapag-WoW. Hindi ako sure kung makakapunta ba ako sa tropa ko na gustong install rin ang game. Hindi rin ako sigurado kung pupunta ba si Chris ulit this Sunday para asikasuhin ang reunion plan. Bahala na siguro kung anung pwedeng gawin ngayong rest day. Hanggang sa muli!

2 Reaction(s) :: Weysted

  1. same situation..pwersado din ang OT namin kahit past 10 pm na... parang martial law sa office namin..

  2. wahehe. ganun po talaga. busines exigencies. pinirmahan natin ito sa contract.