Last Friday shift + 8 hours OT= double shift + red eyes + dizziness. I dunno kung masusundan pa ito.
Mark, hindi mo sinasabi nasa Singapore kana pala, hindi ka man lang nagpadespedida sa amin ni Zander, nangako ka na paguwi mo, dala mo na ang pasalubong at tsibog sa amin. Aantayin ko yan.
After mawala ng days, pinagalala mo kami Angelo ng iyong mga kaibigan lalo na ng mother mo. San ka ba nagpunta, kala ko RPG na naman ang nasa isip mo at nagsimula ka sa iyong tiny adventures. Hope to see you soon. Thanks nga pala sa mga tumulong sa pag desiminate ng information about his whereabouts.
I miss playing World of Warcraft, hayz. Kelan kya ako makakapag laro ulit nito. Kahit sa private lang, happy na ako. Pero syempre mas masaya kapag online na. Kaso la pang resources para sa PC, Connection at sa Game. Daming hadlang. Sana next year or hopefully later this year magawa ko na iyon. Cy and others, antayin nyo ako! Hehe!
Been thinking about moving out sa amin, kaso wala pa akong makakasama para may kahati ako sa pagbabayad ng upa at daily na gastos, hayz. Nag backout kasi ang isa kong officemate at hindi pinayagan ng ate niya. Yung isa naman, kinumbinse ko pa, up to 3 person ang pwede daw. Sana makahanap na ako ng housemates.
Nagiisip na rin about applying for another internal position sa company, its been months since i last applied and epic failed. Hehe! Kakapagod na rin kasi ang function at minsan nagsasawa na rin dahil ganun palagi ang ginagawa. Thankfully tine-train ako sa mga duties at task ng isang supervisor. Nahahasa ang skills ko at dumarami ang bala ko pag sasabak na ako sa war room. Hehe!
Kakaadik itong Heroes, malapit ko nang matapos ang Season 1 mamaya siguro pagkatapos kong mag-net. Akala ko hindi ko siya magugustuhan, but I was wrong. Akala ko kasi typical superhero thing na gaya ng smallville, iyon pala marami palang twist. Ayoko mabitin kaya hahanap na ako ng kasunod na season niya para makahabol ako sa story.
Ilang araw na lang, aakyat na ulit ako sa Baguio with my tropatext fwens. Kakatakot nga lang kasi, tag-ulan nga at yung landslide threat eh andun. Hayz, not financially sound kaya I dunno kung mag-push through ba ako pero kakayanin ko siguro. Daming gastos sa bahay kasi, meron pang mga utang na sa inako ko pa kaya naman hindi ako makapag-ipon talaga. Hirap ng ganito. Nag-iisip na ako na mag-abroad nalang siguro ako.
Iyon muna for the meantime. Another weekend na naman ang natapos, sana naging makabuluhan ang naging weekend mo rin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 07.18 Wallpost
Post a Comment