Basyang Aftermath

Satellite Picture at 10 p.m., 14 July 2010

PAGASA Track as of 8 p.m., 14 July 2010



Severe Weather Bulletin Number TWELVE

Tropical Cyclone Alert: Tropical Storm "BASYANG" (CONSON)
Issued at 11:00 p.m., Wednesday, 14 July 2010


Tropical Storm "BASYANG" continues to move away from the country.
Location of Center: (as of 10:00 p.m.) 290 kms West of Dagupan City
Gustiness of up to 100 kph / Movement: Northwest at 19 kph
Forecast Positions/Outlook: Thursday evening:
610 kms West Northwest of Laoag City
All Public Storm Warning Signals now lowered.
courtesy: PAG-ASA

5.15am nang umuwi ako mula sa work. Buong magdamag, sobrang lakas ng hangin at tuluyan nang nabalot nang kadiliman ang Metro Manila bandang ika-11 ng gabi noong Martes. Ang wooden platform na naiwan sa tabi ng pader ng building ay walang tigil sa paghampas sa hagupit ng bagyo. Nag-shift sa generator ang source ng electricity ng building habang kami ay tuloy pa rin sa trabaho.

Buti nalang at hangin lang ang malakas at manaka-nakang pag-ambon lang ang aking naabutan. Unang tumambad sa aking mga mata ang makalat na paligid na parang dinaanan ng isang buhawi. Nagkalat ang dahon, tangkay o sanga ng puno, maski ang mga mabibigat na bagay gaya ng paso ay nabasag din.

Suspendido ang klase ng mga mag-aaral sa lahat ng antas at pinayuhang lumagi sa bahay ang mga wala namang importanteng gagawin sa araw na iyon. Madali naman akong nakasakay ng bus at umupo agad sa bandang bintana nito. Namalas ko ang pinsalang natamo ng parte ng EDSA - natanggal hanggang sa ugat ang ibang halaman na tinanim ng MMDA, ang tarpaulin ng mga naglalakihang billboard at ang gutter lenght na lalim ng tubig-baha sa kalsada.

Mapalad ang mga nakatira bandang Commonwealth/Sandiganbayan dahil hindi sila nawalan ng kuryente. Pagkauwi naman sa amin, inaasahan ko nang walang kuryente sa amin at sana meron na habang sinusulat ko ito. Mabuti nalang at humupa na ang lupit ng El Nino at bahagya nalang ang nararamdamang init ng panahon, sa tulong na rin siguro ng sama ng panahon.

Hindi rin ako nakatulog nang matagal dahil naalimpungatan ako bandang tanghali at mula noon ay hindi na ako nakatulog. Nagpalipas nalang ng oras sa pakikipag-usap sa mga kasama sa bahay at inaalagaan ang pusang may-sakit. Mahirap talaga pag nasanay na may kuryente parang nakakainip nang walang ginagawa. Nag-text sa mga kakilala kung may kuryente na sa kanila, sa Cubao daw bandang 3 ng hapon ay bumalik na raw at ang MRT Operation ay hanggang Shaw palang. Buti nalang at naging fully operational siya pagsakay ko nitong hapon. Malaking perwisyo talaga ang dulot ng mga bagyo na dumarating sa ating bansa. Wala naman tayong magagawa kundi maging matatag at laging handa sa anumang sakuna na dumating.

2 Reaction(s) :: Basyang Aftermath

  1. Kung nasa kalsada ako nang mga panahong ikaw ay naglalakbay pauwi, maaring kumuha ako ng litrato ng mga nangyari upang maging piping saksi sa lahat ng mga nangyari. :)

  2. @mugen
    tinatamad kasi ako kumuha nun at pagod pa sa werk.