In Memoriam.. Dan Erick Acuna


Dan,

Ang daya-daya mo, hindi mo sinasabi sa akin na may-sakit ka na pala at matagal mo nang tinatago sa amin ni Elias. Nung huli tayong nagkita, malakas ka pa nun at masigla, walang bahid nang kung anung sakit.

Huli ko na nang malaman na iniwanan mo kami noong nakaraang buwan. Hindi ka man lang nagparamdam sa akin o nakausap. Pag hindi pa ako nakapag-browse ngayon sa Facebook hindi ko pa malalaman kung anu ang nangyari sa iyo. Ang daya mo, hindi ka nagsasabi.

Naalala ko pa ang unang pagkikita natin with Elias sa AkoMismo DogTag day, ang init-init nung pero sinuong natin para lang makakuha ng DogTag na yan. Then sumunod nga itong sa Riverbanks with Elias pa rin. Plano pa nga nating pumunta sa Sagada at nakahanda na ang plano natin. Kaso sa hindi inaasahanng pangyayari ay ako lang ang natuloy at hindi kayo nakasama.

Mula noon naging madalang na ang komunikasyon natin. At huling txt mo pa nga at hindi kayo makakasama dahil nga na-short kayo ni Piglet at ganun din ang dahilan ni Elias. Nag-text ka sa akin na may-sakit ka at nagpapagaling, iyon pala ay malala na at nasa hospital ka.

Wala akong kamuang-muang na ganun na pala ka-grabe ang sakit mo. Hindi man  lang kita nabisita. Tanga-tanga ko, hindi man lang ako nakasama kahit sa mga huling araw mo. Maski sa wake at burial mo, hindi rin ako nakasama. Nalulungkot ako ngayon sa nalaman ko. Hayz, ayoko nang ganitong pakiramdam. Unang beses ko palang mawawalan ng isang kaibigan. Masakit pala lalo na't hindi man lang tayo nagkausap.

Kung saan ka man naroroon alam kong masaya ka ngayon sa kinalalagyan mo sa langit kasama ng mga angel. You will always be remembered na tahimik pero masayahing tao. You will always be in my heart. Salamat sa pagakakaibigan though hindi ganun katagal. Marami pa sana akong gustong sabihin at pagusapan natin. Pero makakapag-antay naman iyon, wait for us there. Salamat sa lahat. Salamat sa pagkakaibigan.

10 Reaction(s) :: In Memoriam.. Dan Erick Acuna

  1. wat?!

    kagulat naman to... di ba kasama siya dapat sa sagada?

  2. kuya jin, im not sure if you still remember me..im <*period*>

    nagulat ako sa post ni mugen

    then i saw your post.

    nashock ako!

    this guy is one of the best people na nageencourage sa akin sa luma kong blog.


    malimit ko pa siyang makakulitan sa comment section

    oh no.

  3. @MP
    oo siya yung kasama sana natin sa sagada as well as elias, hayz shock po talaga ako.

    @anteros
    yup, naalala po kita. isa si dan sa mga pinakamabait na blogger na nakilala ko, met him personally, mahiyain siya pero super bait. hayz, he will always be remembered.

  4. omg! i am so saddened by this. nalaman ko lang na siya si bampiraako dahil sa post ni mugen. nagko-comment pa siya sa blog ko noon. at nasa links ko siya. jin, nakakagulat naman ito. my deepest condolences.

  5. KUYA JIN, hindi kita matext kasi yung number mo ay nakasave sa nadukot na cellphone ko..

    try ko hanapin kung may kopya pa ako ng cp mo..i miss our exchange of text messages god bless po

  6. @Aris/Anteros
    talagang kakagulat po talaga, lalo na't parang kailan lang eh naguusap pa kami at nagkikita. kung hindi pa ako titingin sa FB hindi ko pa malalaman na almost a month na siyang wala na sa piling natin. kaya mas eager akong kausapin ang immediate family niya kung san siya nakalibing, ah ok. try ko send sa iyo pag off work na po ako anteros. condolence sa family ni Dan.

  7. gosh, nakakalungkot at nakakagulat ag balitang ito ah.

    nakikiramay ako kuya jin.

  8. i wil always remember this boy.

  9. @semaj
    salamat semaj, isang malaking kawalan si dan.

    @yas
    yeah, naalala ko pa mga moments natin with him, sana nga natuloy ang sagada kahit papano nag-enjoy sana tayo at last na bonding.

  10. Thank you for this post. I've been looking for Dan for quite sometime now, it's been years since we last met. 2006 pa yun. I was browsing some old files when I saw his email address I wrote back at my notebook when I was still studying Japanese. I looked for him sa FB and so his page. Even sent him a message last July 18. Medyo nainip ako sa pagreply nya so I check sa net kung ano pang info meron and I stumble at this page. Nanghina ako when I found out. almost 2 years na pala syang wala and hindi ko man lang sya nakita. Even at his wake. I could only treasure his memories.

    Thank you again. And to Dan, I love you friend and I so miss you.