3pm Nagising sa ingay ng jackhammer sa labas ng aming bahay. Natawa nga ako dahil parang personal alarm ko pa iyon dahil tiyempo namang ganitong oras ako dapat gumising.
4pm Naghanda na ako at nagbihis dahil kailangan at 6pm nasa SM Makati na ako para sa Chicken All-u-Can promo ng Max's.
5pm Makulimlim ang kalangitan, bunga ng papalapit na bagyo na kasalukuyang tinatahak ang direksyong pa-Norte. May Storm Warning na ang Metro Manila. Nagsimula nang lumakas ang ulan nang bandang nasa Commonwealth Avenue.
5.45pm Nakarating sa MRT-Quezon Avenue. Naka-ilang skipping train, mukhang nagbabadya nang nakaimbang perwisyo sa mga pasahero.
6.00pm Usad-pagong ang andar ng MRT. Bawat station huminto. Naka-red signal daw dahil may defective train bandang Guadalupe samahan pa ng malakas na hangin.
6.15pm Stranded sa MRT-Cubao. Ilang minutong tumigil. Naiinip na ang mga tao. Mainit na ang ulo ng karamihan. Ang iba naman naiinis dahil late na sa meeting o sa oras ng pagpasok. Ako naman sakit na ng paa ko at pupulikatin ata ako sa mahabang minuto na nakatayo lang ako. Aware pa ako sa likod ko dahil baka mandurukot siya dahil ang likot likot niya.
6.30pm Stranded ulit sa MRT-Buendia, isang station na lang sabi ko sa sarili ko. Nakakainis dahil nahinto na naman. Kaya pagpasok sa MRT puro pag-text nalang ang aking inatupag para maaliw ang sarili.
6.45pm Nakarating sa MRT-Ayala. Grabe ang dami ng taong nag-aantay sa platform area, bawat station naka stop entry na. Maski mga nagaabang sa ticket area jampak rin. Napa-iling nalang ako sa nangyayari ngayon. Anung oras pa kaya makakauwi ang mga pasaherong ito, traffic naman pag nag-bus sila.
6.55pm Nakarating sa meeting place ng Team, dinaan sa kain lahat ng sama ng loob sa experience sa pagsakay ngayon sa MRT. Naka-ilang piraso rin ng chicken at bottomless Pepsi. Alam ko hindi pa ito ang huli sa mga hindi magandang pangyayaring mararanasan sa MRT lalo na't panahon na ng bagyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Worst MRT Ride
Post a Comment