Since walang OT last friday shift, maaga akong nakaalis sa office. Mukhang hindi na ako sanay na hindi nag-OT, paano na ang negosyo ko kada week. Hehe! Oh well, mabuti na rin at wala, para makapag pahinga ang katawan, panigurado within the few days babalik na naman siya lalo na next month, ang spike ng volume nila. Todo OT time na naman ito up to weekends. Parang nanibago naman ako dahil aalis ako na madilim pa.
Imbes na antayin magbukas ang Internet, minabuti ko nalang na matulog para mabawi ang ilang oras na sleep deprivation sa ngalan ng OT. Sarap ng tulog dahil medyo naguuulan. Nagising na ako bandang hapon. Nasanay na ang body clock na ganun oras ang paggising. Pagkatapos manood ng TV, text sa mga barkada. Saka palang ako nagpasyang mag Internet sa labasan namin. Saktong pagbuhos naman ng ulan, buti nalang at may payong na dala. Nag-antay pa ako ng ilang minuto para makaupo. Pag umuulan talaga nagiging nostalgic ako at maraming naiisip na masasayang alaala nang nakaraan. Kagaya nang mga college moments at ang PS Boys na matagal ko nang hindi nakikitang kumpleto. Pagkalipas ng ilan pang minuto at halos isang oras na nga eh naawa si kuya kaya sa server na ako pinag-Net. Kakaiba ah, hindi naputol ang connection kung saan kilala ang shop na ito.
Nalunod sa mga updates sa FB at mga emails, hirap talaga pag hindi ka nag-oonline. Hindi ka updated sa mga nangyayari sa loob at labas ng circle mo. Pasado alas-dyes na nakauwi. Txt mode muna sa mga frens, tumawag si pareng XT tungkol sa balita kay Jayson atbp. Hindi ko na nga natapos panoorin ang late night movies dahil nakatulog ulit.
Maaga naman akong nagising kanina para makapag-jogging. Dahil na rin sa madalas na paguulan ay hindi na ako nakakapunta sa school oval sa eskwelahan ko nung nasa elementary ako. Kahit makulimlim at nagbabadya ang ulan, sinuong ko para makapag jogging. Hindi ko religiosly nasusunod ang running plan dahil na nga weekends lang ang time ko para makapag-jog. Kaya palagi na lang na brisk walking, slow and medium run ang nagagawa ko. Kahit papano pinawisan naman nang katakot-takot.
Pagkatapos makauwi sa bahay, diretso naman ako sa Net ulit, para magbura ng ilang daang mga hindi kilalang fwens sa FB, challenge ito dahil halos 1,400+ ang friends ko, dahil na rin sa kelangan mag-add ng member sa ilang FB game apps na nilalaro ko, pero ngayon kelangan nang tapyasin ang mga ito at itira ang kilala ko lang talaga sa personal.
Mamaya nga palang hapon, merong mini-get together ang college classmates ko, munting salo-salo sa pag-uwi ni Manalulu, ka-batch ko and thesis-mate. Babaha panigurado ang kwentuhan at kumustahan sa bawat isa. Magiging masaya ito. Hanggang sa muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Normal Wikends
Post a Comment