Last Monday bago pumasok, nasabi ko na sa sarili ko na, sana na-extend nalang ang restday ko nang makapagpahinga ako nang matagal. Nagkatotoo siya pero sa hindi kanais-nais na paraan.
Lunes ng gabi sa work. Bigla nalang akong nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan. Hindi ko nalang pinapahalata sa office para wala nang issue. Naka-tatlong trip ako sa CR dun, hindi ata ako natunawan nung oras na iyon. Nagtataka lang ako na hindi naman ganun karami ang aking nakain bago ako umalis sa amin bandang hapon.
Iniisip ko na baka hindi malinis ang aking nakain o nainom na tubig. Baka nga kamo sa tokwa na niluto ng kapatid ko na hindi binabad sa tubig at nasa mesa lang at hinayaang mainit. O kaya ang corned beef na nadapuan nang kung anu-ano kasabay na rin ng friend rice na nakahain. Isama na rin na nainom ko kaunti ang tubig na hindi ko alam kung malinis ba dahil ngayon palang nila inaayos ang tubo ng Manila Water.
Sinabi sa akin ni Lei na uminom daw ako ng brewed green tea sa vendo namin, kahit medyo matamis lagyan ko nalang ng tubig para mawala nang kaunti. Umakyat rin ako sa clinic para kumuha ng loperamide. Kahit papano, naibsan nito ang sakit na nararamdaman ko.
Umuwi ako sa amin na hindi mabuti ang pakiramdam, parang nanghihina ako at masakit ang pangangatawan. Nagkaroon din ng lagnat bandang katanghalian. Minabuti ko nang magpaalam sa aking bisor na mag-file ako ng sick leave para makapagpahinga. Mabuti naman at approved na siya. Nagpabili na ako ng gamot sa lagnat, at sa sakit sa tiyan.
Sinabayan ko na rin ng paginom ng vitamin C at Yakult (siguro hindi na balance ang ratio ng good sa bad bacteria kaya ganito nalang ang reaksyon nito sa aking tiyan), ito talaga ang kahinaan ko dati pa - ang aking tiyan. Sobrang sensitive niya kaya minsan pihikan ako sa pagkain at baka kumulo siya kung anu pang makain ko na hindi kanais-nais.
Maghapon, la akong ginawa kundi humiga lang at mag-text sa aking mga kaibigan. Tapos natulog ulit. Unti-unting bumuti ang aking pakiramdam at nawala na ang aking lagnat bandang kinagabihan. Salamat nga pala sa text ni Wako at ng Tropang Myxjj. Masasabi kong naka-recover na ako. Minsan lang akong magkasakit pero malakas pag kumapit. Sana nga lang hindi na ulit ito mangyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
tc parekoy
eMPi
August 11, 2010 at 12:33 PMok nako tsong. salamat.
Jinjiruks
August 12, 2010 at 12:49 AM