Sarap ng tulog ko sa jeep kanina, siguro sa lamig na rin ng panahon at maaga akong nakarating sa terminal. Kesa sa dulo malapit sa estribo maupo, minabuti kong sa likod ng driver maupo. Hindi ko alam kung naghihilik ba akosa jeep nung naka-idlip ako pasensya na lang sa mga katabi ko.
Pagdating sa amin, kumain lang nang kaunti. Text sa txtpwens. At nakatulog na rin agad. Nagising ako nang katanghalian hindi dahil sa init kundi nangangati ang batok ko at nagpapantal siya. Hindi ko alam kung bedbugs ba siya pero sobrang kati niya na hindi niya ako pinatulog ulit. Nilagyan ko agad ng anti-itch cream (ayaw pa talaga sabihing Caladryl).
Nag-net nalang ako to kill time. Hindi pa rin maayos ang koneksyon kina Kerby kaya dun ako malapit sa amin nag-net. Bukod sa tahimik eh kaunti ang nag-net ngayon dahil na rin weekdays at may pasok ang mga bata. Upload lang ng mga pics mula sa ibang ka-officemate sa tatlong social networks na active ako. Mababa ang memory ng PC kaya natagalan bago ko na-upload ang lahat.
Pagpasok naman kanina, inabutan ako ng malakas na ulan bandang Caltex/Harvard. Pinatila ko nalang siya tutal maaga pa naman at hindi naman siguro ako male-late. Nag-text na rin ako sa ka-officemate na just in case na ma-late eh informed siya. Nakasabay ko pa nung tumila ang ulan sina Rain at Anne.
Last day na ng prod for August kaya itodo na rin ang powers at bukas magiipon pa para sa bagong buwan. September na. Papasok na ang "Ber" months, magsisimula na ang countdown sa kapaskuhan. Kawawa naman ako, ni-isang regalo wala pa akong natatanggap sa Ninong/Ninang ko na nasa Davao ngayon, pag umuwi kaya ako, bahay at lupa na kaya ang ibigay sa akin? mahigit dalawang dekada nang overdue sila sa aguinaldo na ibibigay sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i hate ber months hahaha
anubeh kuya... tanda mo ng yan eh umaasa pa sa papasko? hahahaha... hmmm bagong pinta ang bahay mo ah..
tnt s word verif: anestli
Trainer Y
September 1, 2010 at 10:53 AMaba! bagong bihis ah... sinipag cguro.
naku! wag ka ng umasang bigyan ng regalo galing sa mga ninong at ninang mo. tnt
eMPi
September 1, 2010 at 10:58 AMtry u pumunta sa davao
cghurado may regalo ka..
sama ko?tnt
Anonymous
September 1, 2010 at 3:50 PMlangya ngayon lang ba kayo nadalaw at nakita nyo yan, syempre taglagas na para bumagay sa tema ng panahon, asa talaga kahit pumunta ako dun, wala naman bibigay sa akin, baka ako pa ang magbigay sa kanila. hmp! bitter!
Jinjiruks
September 1, 2010 at 8:10 PM