Mukha

Matapos mabasa sa pamamagitan ng SMS ang ilang pages na kwento ng kaibigan ko. Halo-halong emosyon ang aking nadama, kinilig ako, natawa ako at may kaunting kalungkutan na rin.

Anim na taon na ang nakakaraan na magkakilala sila ng ka-chat nitong seaman. Nag-click at naging sila makalipas ang suyuan at ligawan. Palibhasa ay Ilonggo kaya madaling nahulog siya dito sa pagiging malambing at mabait. Pinagmamalaki pa niyang sabihin na hindi natatapos ang araw na hindi sila nagkakabati sa tuwing magkakaroon sila ng hidwaan o di pagkakaunawaan.

Sika-sila pa mismo ang naghuhubad ng sapatos at medyas sa kung sino ang unang makakauwi. Ang sweet nila sa isa't-isa na halos wala nang hiligin pa kundi manatili ang kanilang pagmamahalan. Pero kagaya sa isang fairy tale, merong mga kontrabida na pilit pinaghihiwalay sila. Kailangan sumunod ni seaman sa dikta ng kanyang mga magulang. Gusto man ipaglaban ang pagmamahal nila pero iyon ang kailangang gawin at nararapat.

Masakit man sa bawat isa, pero kailangang gawin nila iyon para sa ikakatahimik ng lahat. Mananatili na lamang na isang alaala ng kahapon ang mga masasayang sandali sa kanilang buhay. Hindi biro ang anim na taon na relasyon at hanggang ngayon nasa proseso pa rin ng paghilom ng sugat. Paminsan-minsan nagkakaroon pa rin sila ng ugnayan sa isa't-isa. Umaasa pa rin ako na hindi matatapos sa isang tuldok ang dating pagmamahalan nila bagkus ay kusa nalang ang kapalaran ang siyang kakatok sa kanilang mga puso upang buksan ito muli at mapagpatuloy ang nasimulan..

0 Reaction(s) :: Mukha