Muntik na

La talaga ako ganang pumasok kanina, bukod sa anung oras na rin ako nakatulog dahil na rin sa nag net pa ako sa kalapit na shop. Palagi nalang mga apat na oras ang tulog ko at swerte na ang anim na oras. Kanina nagdadalawang isip pa ako dahil masakit ang ulo ko at puyat kaya matagal ako sa taas namin nakaharap sa damit kung papasok ba ako o hindi.

Sa bagal ko mag-desisyon, ilang minuto rin ang lumipas bago ko nasabi na, papasok nalang ako. Sinamahan pa ng traffic sa may amin dahil nga kapistahan ni San Rafael sa katabing barangay. Nakakapagtaka lang kung bakit may truck na may relief goods sa harap ng munisipyo na naging dahilan na pagsisikip ng daloy ng trapiko. Anu na naman ang pakulo ni Mayor bakit andyan yan. Eh wala namang sakuna na nangyari nitong nakaraang mga buwan.

Tagaktak ang pawis ko habang nag-aantay sa jeep samahan mo pa ng mga hind kanais-nais na amoy ng ibang pasahero. Tlagang iinit ang ulo mo, buti nalang at nakahanap ng way si tsuper para maiwasan ang sobrang traffic at bumalik na sa normal ang biyahe. Pasado alas-siyete na nang makarating ako sa MRT. Kaya hindi na ako namili ng train na dumaraan, pasok agad pag may dumaan.

Dali-daling nagmadali pagbaba ng MRT at pagsakay ng bus hanggang sa paglalakad. Kaya pawis na naman as usual. Buti nalang at hindi sumabay ang elevator sa pagbabagal at nagbigay daan naman. Nakarating ako sa cubicle ko 2 minutes before the shift, akala ko talaga magkaka-late na ako. Mabuti nalang at hindi at malinis pa rin ang record ko. Moral lesson, wag bababagal-bagal sa pagdedesiyon ng gagawin dahil hindi ka aantayin ng oras para hindi ka ma-late.

4 Reaction(s) :: Muntik na

  1. wag ka kase sa damitan haharap habang nagdedesisyon.
    bakit?
    wala lang
    may masabi lang
    hahaha

    nytie kuya

  2. haha, nytie mami wolf - para may masabi lang enoh - malapit na ang bertdey mo.

  3. hahaha.. parang parehas tayo ng ugali... hahaha... last minute decision...

  4. haha, fickleminded kainis