ROTC days

Nostalgic na naman at naaalala yung mga happy college days ko. Isa na rito yung ROTC days, that time kasi required talaga na mag-ROTC unlike now na may NSTP na pamalit at voluntary nalang ang ROTC. Air Force ang ROTC namin kaya hindi ganun kahigpit kagaya ng iba. Minsan nasa Villamor Air Base sa Pasay City pa ang training pag may special occasion. Pero usually on a normal training, sa school grounds ng Project 8 ang training.

Maaga akong nagigising kada-Linggo. Mga alas-4 ng umaga, nagbibihis na ako. Bandang alas-5 nasa biyahe na ako. Magkakasama kami ni Mark, Lester, Emer, Joseph at Angelo na nagkikita either sa EVER Commonwealth o kaya sa may Tandang Sora sa may 7-11. Sasakay papuntang Sangandaan, tatahakin ang sobrang traffic na Culiat Road. Then bababa sa may General, jeep ulit to Road 20 then sakay ulit ng tricycle to Project 8 naman. Kaya naman maiintindihan mo na minsan late talaga kami dumating sa oras na ginugugol mo sa biyahe palang papunta dun.

Pagdating naman dun, wala namang gagawin kundi utos dito ng mga basic commands lang, na parang nag CAT-1 kalang, sinasayang lang talaga namin ang oras. Pag umuulan sa gymnasium ang training. Minsan sa putikan tapos pag trip pa ng mga gagong mga officers, padadapain ka at kailangan hindi mahaba ang haircut mo. Hindi na dapat ako nag-ahit pa nun at hinayaan ko nalang ang unang tubo ng buhok pero inahit ko pa rin kaya eto nagdurusa sa kada-linggong pag-aahit. Tapos minsan maabutan mo pa sa pag-uwi mo, abutin ka ng kalakasan ng ulan. Stranded at hindi makalabas dahil hanggang bewang ang tubig-baha sa labas ng school.

Parang basang sisiw talaga kami noong mga panahon na iyon. Nakakahiya dahil basang-basa kami nun, buti nalang at hindi kami nagdala ng cellphone nun kundi nasira rin iyon. Tapos pag exam naman, hayagan ang kopyahan, tapos ang mga score namin kada semester, hula hula lang rin. Tapos ang gastos pa namin sa halaga ng bullets na hindi mo naman nagamit dahil sa haba ng pila at kaunti lang ang slot para sa firing range. 

Mukhang patong-patong ang grievance noh sa ROTC, pero isa iyon sa masasayang ala-ala nung nasa college ako, kasi kasama ko ang barkada ko nun. Bonding time, mga kalokohan, mga bagay na hindi mo pa nagagawa, ang walang humpay na tawanan kapag kasama ko sila. Napapawi ang mga hinaing ko sa subject na ito pag kasama ko sila.

3 Reaction(s) :: ROTC days

  1. yung ibang officers power trip talaga. hehehe.
    kaliwa kanan kaliwa..
    pasulong. manatili. hehe. =)

  2. naalala ko naman daw yung CAT days ko nung highschool.. tnt..
    every friday yun.. hindi ako nakikisali sa formation.. wahahaha every friday nagkakamenstruation ako.. pumupunta sa clinic at humihingi ng excuse letter galing sa school nurse adn ippresent sa commandant voila! excused na for the day's exercises wahahahaha

  3. @paci
    sinabi mo pa, kung pwede lang banatan ang mga yan matagal ko nang ginawa

    @wolfie
    haha, andaya mo talaga, pero na enjoy ko ang cat days ko, yun ang susunod kong topic sa pagdaan ng mga araw hehe!