Kahapon since walang pasok (US Labor Day), napagusapan na magkikita-kita ang magkakatropang Jay at Christian. Pasensya na ulit at hari ng pagiging late ako. Paano ba naman kasi, anung oras na ako nagising at hindi gumana ang alarm ko, kakapuyat na rin siguro kakapanood ng DVD TV series (Heroes/LOTR).
10am na ako nakaalis sa amin, samahan mo na rin ng traffic along the way. Imbes na 11am kami magkikita, umabot na nang katanghalian ang pagkikita namin. Halos 12.30nn na ako nakarating sa MOA sa may Hypermart, si Christian una kong naabutan - kaunting kwentuhan sa mga nangyari for the past week and then humabol naman si Jay.
Hindi inaasahan na sasama si Kuya Leon, kasama rin niya si Kian dala ang car. Nasabi ni kuya na gala raw kami sa Manila Ocean Park, init ng panahon grabe. Hindi gaano kalakihan ang Ocean Park, and 1st time kong pumunta dun. Mahal ng ticket 400.00 pesos siya, salamat kuya sa treat mo sa amin. Too bad, la kaming digicam kaya nagkasya nalang sa sari-sariling camphone ang ginamit sa pag-picture sa mga isda.
Halos 30 minutes to 1hr ang nilagi namin doon. Ok naman ang lugar lalo ang pamosong mini aquaria na nasa tunnel. Kala ko pa naman marami pang makikita sa 2nd floor, wala na pala at may bayad na ang jellyfish at sa doctor fish, parang nasasayangan ako sa fee lalo na't hindi kasama ang ganung amenities. Gala gala lang sa paligid ng Oceanarium.
Umalis na rin kami bandang hapon, dahil bawat isa ay may kanya-kanyang lakad or pauwi na. Si Christian may pasok pa mamayang gabi, uuwi pa sa probinsya si Kian at papahinga na rin sina Kuya Leon at Jay. Gumala-gala muna sa Megamall, nood ng movie - ang panget ng The Last Exorcism, kala ko kung anu na, mockumentary lang pala gaya ng Blair Witch Project.
Umuwi bandang 8pm, natagalan lang ako sa byahe dahil sa bawat kanto nalang tumitigil ang jeep. Pasado alas-10 ng gabi na ako nakauwi sa amin. Nanood ng DVD bandang hatinggabi. Hanggang sa nakatulog bandang 2am. Hanggang sa muli. See you soon guys sa swimming trip naman sa Laguna.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow *walang pix*
eMPi
September 7, 2010 at 3:39 PMsorry naman walang digicam eh! upload nalang pag may time mula sa ngelpon
Jinjiruks
September 8, 2010 at 1:24 AM