Lahat tayo merong paboritong lugar kung saan pwede tayong makapagisip-isip sa buhay, mga happy and sad moments ng buhay natin at iba pang bagay na pwedeng maalala at makapagbibigay ng saglit na kapayapaan ng isip. Maaring sa isang tahimik na kwarto, sa taas ng bundok, sa malawak na parang o kaya sa kailaliman ng lupa.
Nabanggit ko na ito sa aking lumang post mga ilang taon na ang nakakaraan. Nakakatawa isipin pero nahanap ko ang aking personal space sa aming banyo. Hindi naman siya kalakihan kung pisikan na dimensyon ang paguusapan. Pero sa lugar na iyon, marami akong naiiisip na mga bagay-bagay sa aking buhay. Ang pagpatak ng tubig mula sa gripo papunta sa drum, nakapagbibigay sa akin ng kalma sa pag-iisip.
Isa na rito ang pagbubukas ng maraming daan para sa akin. Kailangan timbang-timbangin ang pros at cons. Mapa-kaliwa, diretso o kakanan ako, ang mahalaga - walang sisihan sa mga desisyon na gagawin. Sa ngayon, hindi pa ako nakakapili at maraming dapat isaalang-alang sa posibleng magihing kahihinatnan nito once na makapag-decide na ako sa gagawin ko. Hindi magiging madali ito, dahil pag nakapili na ako, wala nang balikan pa at walang pwedeng gawin kundi move forward. Kagaya nga ng sabi ni Allen Walker, keep on walking..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sa pagpili ng tamang daang tatahakin, hindi dapat na nagmamadali.. take time to think things through kasi once makapili ka na, there's no turning back.. no looking back.. there's no other option but to move forward.. youre not allowed na mag u-turn.. :D
Trainer Y
September 3, 2010 at 9:13 AMkaya kailangan pagisipan mga hakbang na gagawin. mahirap talaga pag nakapunta ka sa ganitong sitwasyon na na reach mo na ang dulo at may lumabas na ibang paths na kailangan puntahan.
Jinjiruks
September 3, 2010 at 2:07 PM