Weekend Wind

Saturday

Morning. Text-text muna pampaantok. Unexpected yung pagtawag sa akin ng isang ka-txt. Caught off-guard. Pero la nang followup call after.

Almost 3pm na ako nagising that day, sobrang pagod siguro at ewan ko bakit super bored ako last friday. Me usapan na magkikita-kita ang PS Boys kina Cyril. Texted Rene/Mike, after a couple of minutes, nagkita kami ni Rene sa harap ng gate nina Cyril. Hindi raw makakarating si Mike pero si John dumating nang na-text ko. Si Abundio hindi ko nasabihan, la akong pang-text sa ibang network.

Akala ko naman kung anu na yung PS Move na yan, iyon pala eh Playstation Move controller. Si Rene na ang unang nag-try pero hirap sa controls. Then me Gundam na game kaya iyon nalang ang nilaro nila, ako naman nag-net nalang para hindi na ako magpunta sa shop that day. Check lang ng the usual na gameapps at check ng wallpost.

Night. Inabot na ng gabi paglalaro nila ni John ng Gundam. Dumating na ang wifey ni Rene at sinundo na niya para magpunta sa perya. Nakita ko ulit ang inaanak ko na marami na akong utang sa kanya. Babawi nalang ako Kurt sa Pasko.

Browse ng mga anime ni Cyril, daming hentai *grins*. Saw the title School of the Dead, hmm parang Left for Dead siya na anime. Ecchi type ng anime, 1 notch below Hentai. Ok naman ang anime na ito, ongoing pa siya at every Monday na-upload sa isang site.


High School of the Dead trailer

Then while watching, napapatingin naman ako sa nilalaro ni Cy, akala ko kung anu na at parang Pokemon style siya bakit kailangan may batuhin na Boomerang yung dad na hawig ni Russel Crowe, na curious naman ako at pinanood siya. Yun pala game talaga sa PS3 at may story siya. Heavy Rain ang title, kala ko Sims na eh na ginagalaw galaw.


Heave Rain trailer

Umabot na kami ng past 11pm sa panonood at laro na rin ng game. Kami ni John ang sabay umuwi. Kaunting usap lang tungkol sa nangyari sa job niya. Then sumakay na rin ako pauwi sa amin. Nanood muna ng Bottomline/Sports Unlimited then nakatulog na by 2am.

Sunday

2 hours lang ang tulog. Pero kelangan mag-jogging eh, pambawi sa ilang araw na sedentary work. Nakarating sa school oval by 5am. Marami na rin sila dun sa oval. Mga 1 1/2 hour nag-stay bago umuwi. Pahinga lang sandali, By 10am nasa SM North naman, mabuti nang maagang umalis para hindi mainit.

Gala lang sa mall, matagal-tagal na rin ang last kong gala na mag-isa. Parang therapy sa akin itong, naglalakad sa mall, lalo na sa supermarket. Natatakam ako sa mga grocery items. Mini treat sa sarili at bumili ng shirt and pants. Tanghali na ako nakawui. Mainit pero worth naman at may nabili ako para sa sarili. Sa nakalipas na mga buwan kasi, puro nalang sa bahay napupunta ang pera kaya this time dapat sa akin naman, bigyan ko naman ng time at reward ang sarili ko sa mga ginagawa ko. Isipin ko naman ang sarili ko. Hehe.

Pagkauwi, kala ko umalis ang lahat. Lang tao kasi, niligpit mga gamit. Then sa sobrang pagod eh, nakatulog nang ilang minuto lang naman, kasi may usapan pa kami magkikita ni Cyril at magpapa burn ako ng anime sa kanya, grabe na ito - parang zombie na rin ako na walang tulog niyan. Kaya mamaya siguro maaga akong makakatulog nito. Kaso ang kapatid ko bumili ng mga TV series na naman. Sana hindi ako matukso na manood kundi puyat na naman ako nito. Hanggang sa muli.

0 Reaction(s) :: Weekend Wind