Daming pagbabago nangyayari sa office. Wala talagang permanent dito. Eto gumagalaw na naman ang aming seatplan. Moving counter-clockwise kami sa floor na ito.After this recent movement, sa December gagalaw na naman kami. Mamaya nasa dulo na kami at aakyat na siguro sa 14/F. Nakakapagod ang paglilipat at re-orient ang sarili mo sa bagong pwesto.
This week rin, naging emosyonal at kumprontasyunal ang ilan sa aking mga kasama sa function, dahil sa isang issue na ako involved ako at nadala rin ng aking emosyon. Hindi na ako magsasabi ng kung anumang detalye, pero nabago nito ang pakikitungo ko sa iba at sila rin sa akin. Ika nga ng kakilala ko, "Less talk, less mistake", wag nalang magsalita kung wala namang magandang sasabihin. Oh well, nangyari na iyon at nakalipas na, harapin nalang ang consequences na naidulot nito. La namang magagawa kundi harapin ito at tuloy pa rin ang buhay.
Halos 3-4 oras lang din ang tulog ko ngayong linggo, usual na dahilan. Kaingayan sa bahay o kaya naman nagluluto na nagigising ako sa amoy. Maaga akong matutulog pero tanghali naman nagigising at hindi na nakakabawi ulit sa tulog. Senyales naba ito na kelangan ko nang bumukod para rin sa aking sarili? 28 na taon na ako pero heto andito pa rin ako sa bahay namin na halos dalawang oras ang byahe papunta sa trabaho. Nakakapagod, yung oras mo na ipapahinga na nga eh nasa byahe ka pa. Hindi pa kasi ako makapag-decide dahil meron akong mga event na inaantay na mangyari or yung outcome nun na maaring magpabago sa aking desisyon tungkol sa pagbubukod. Ika nga ni Champ ng Hale, "Sandali na lang, kaunting panahon..".
Been thinking, ilang buwan na rin akong semi-retire sa gaming world, planning to make a comeback pero not sure kung anung MMORPG ang lalaruin ko. Miss ko na ang WoW private server, ang aking tauren druid ang aking friend na hindi ako iniiwan at handang umintindi sa akin kahit kinokontrol ko lang siya mula sa keyboard at mouse. Kung wala lang akong mga gastos sa pamilya, malamang me sariling PC na rin ako at naglalaro nito, kaso syempre unahin muna sila bago ang sarili. Tanong ko naman, hanggang kailan naman akong ganito, ilang taon na pero wala pa ring napupundar. Kelan ko naman kaya iisipin ang sarili ko? Susumbatan na naman ako na walang utang na loob kapag hindi ko sila tinulungan, paano na sila pag wala ako. Ang daming tanong at iniisip. Nakakapagod.
Maski sa larangan ng pag-ibig, nakakapagod na rin. Ilang siklo na rin ng breakups ang naranasan. Kaunti nalang at papalya na itong makina ng aking puso. Hindi na ata ito makukumpuni pa. Parang preso na nagbabayad ng sentensya sa kulungan, nagaantay kung kelan bibitayin para matapos na ang lahat ng kalokohang buhay ito. Kagaya ni Mami Yanah, pasensya na kung magulo ang post na ito, sinusulat ko lang kung ano ang pumapasok sa isip ko sa oras na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hahaha ganyan talaga tol pag gumagawa ng post lalo na kung ang daming laman ng utak mo, ako nga nakagawa ng ganyan, walang period puro commas. Nasabihan tuloy ni Yanah! Piz Yanah!
EngrMoks
October 16, 2010 at 7:18 PMhaha, mas ok naman ang ganung Mokong. Hindi naman ako pressured gaya ng iba dyan na araw araw kelangan gumawa ng post at grammatically correct pa. Basta ako kung ano maisipan na post lagay lang, pakialam ko ba sa negative comments, gumawa sila ng blog nila.
Jinjiruks
October 16, 2010 at 7:36 PMtama lang yan.. wala naman panuntunan na sinusunod sa pagbblog eh.isulat mo kung ano gusto mong isulat.. kung ano nararamdaman mo, go lang... kesehodang oneliner lang yan or isang nobela pa yan ng kabulastugan.. kebz diba? kung dun ka makakahinga ng maluwag..
subukan mo din kuya na bigyan ng chance ung sarili mo na makahinga ng maayos.. hindi naman habampanahon ka dapat tumanaw ng utang na loob.. sabi mo nga 28 ka na. kailangan mo ng gumawa ng sarili mong buhay..
Trainer Y
October 16, 2010 at 7:43 PMhonga mami yanah eh, hayaan mo. sandali nalang, kaunting panahon sabi nga ni champ. hehe. kilala mo naman siguro ang tinutukoy kong blog kung saan napaka sopistikado masyado at kelangan talaga ang presentasyon eh just to please the readers. hehe!
Jinjiruks
October 16, 2010 at 8:34 PM