Moling, Stroling, Galamowd, Basar at si Juan

I want to treat myself kaya naman nagpunta ako nang mall, ito na nga lang ang natitirang social life ko amidst sa walang kabuhay-buhay na shift samahan mo pa ng stress sa work at sa mga kasama. Unwind kahit papano at parang therapy na rin kasi sa akin ang window shopping pati na sa grocery section. Maganda ang panahon, hindi bakas na nasa signal#1 na ang Metro Manila nung araw na iyon. Tanghalian na ko nakarating sa Mega, finale pa ng 3-day sale nila kaya hitik na hitik sa dami ng tao. At first naisipan kong magpunta muna sa Rob Pioneer pero naaalangan ako dahil iyon lang ang sadya ko dun at nakakatamad.

Pagpasok ko sa mall, department store agad ako - nakakainis lang nakailang akyat baba ako sa pagtatanong ko saan ang shoe section. Kung bakit kasi merong namang signs sa escalator at hindi marunong bumasa. Tumingin-tingin sa men's shoe section, bumaba na nga ang price nung balak kong bilhin pero nagdalawang isip rin kasi parang gusto ko naman ng bago at hindi kagaya ng dati na pinalitan mo lang ng kulay. Gusto ko rin kasi multi purpose ang siya, pwedeng pang casual at running at the same time since minsan nag jogging ako at kung may events na sasalihan. Magaling mag sales talk si kuya, sinagot nya lahat ng tanong ko at doubt regarding dun at binigyan pa ako ng tips sa pagaalaga nito. Gusto ko sana black ang lining pero ok na ang silver at hindi naman siya halata. After rin bumili ng extra socks and undershirts. Nagbayad na at nag fillup ng coupon, malay natin at manalo ako sa raffle.

Gumala muna saglit sa ibang section kung sakali baka may makursunadahan para next sahod eh kung andun pa eh mabili na rin. Nagutom bigla sa paglalakad at nangalay na rin siguro ang paa. Sinubukan munang umakyat sa Megatrade Hall baka sakali merong interesanteng puntahan. Nakita ko nga na may health and wellness event at free entrance pa, so i grabbed the opportunity and sinubukan na rin kung anung itsura nito sa loob. Usually kasi pag sa Megatrade either may cosplay or game event yung pinupuntahan ko kasama ang PS boys. Pero this time, solo flight mode.

Ok naman siya at pagpasok palang marami na akong nakikitang interesante na mga freebies. Naging curious sa myoskeletal technique nila, hindi pa kasi ako nagpapa-checkup kaya hindi ko alam kung related ba siya sa dinaraing ko ngayon na sa tuwing nakaupo ako at nagsisintas eh sumasakit ang lower back ko, i dunno kung lumbago ba ito or iba na. Siguro sa susunod na mga araw kailangan ipatingin ko na ito. Meanwhile, sinubukan ko ang free back massage nila, since free trial lang ito nabitin naman ako. Pagiisipan pa kung itutuloy ko itong therapy na ito sa kanila pero kailangan magpatingin muna ako.

Patuloy ang pagliwaliw sa mga stall, may free taste ng herbal tea with fruit flavors, mga grasswheats pati na rin ang mga cold tea beverage. Napadaan bigla sa kumpol ng mga hapon, tinanong ako kung gusto ko try and go naman ako, "Shumei" ang tawag sa philosophy nila at founder nila si Meishushama. Pinaupo niya ako, with arms rested sa hips. Pumikit ng 5minutes. Habang siya parang may ritual na nag transfer ng energy or act as medium para ma clear ang spirit ko ng toxins. Mahirap siya kausapin kasi hirap siyang mag English kaya after nun eh umalis na rin ako at nagpasalamat.

Then nagpalista rin ako sa Nugabest, nag-antay saglit dahil 10 minutes ang free trial nila. Lagi ko siyang nakikita sa mga ads pero first time kong mag-try. Akala ko nga dati eh parang ointment or medicine siya na kailangan i-take, iyon pala eh parang machine siya na me mga heated stones na iyon ang magsisilbing theraphy mo. Kwentuhan at biruan pa kasabay ni Kuya na katabi ko sa bed. Mainit sa pakiramdam siya at gumugulong ang mga stones mula sa head down to lower back mo kasama pa nito ung handle na pwede mong ilagay kung sang part ng body mo na heal niya.

Napadaan once dun sa may live blood analysis, curious rin kasi ako. Nagtanong at nagbayad for the materials na gagamitin nila. Kinuhaan na ako ng blood sample, nilagay sa microscope, kumuha si kuya ng paper na may diagrams ng mga blood abnormalities. Pinaliwanag niya sa akin mga nakikita ko sa screen. Red blood cells nag-clump siya, white blood cells naman hindi siya gumagalaw na supposedly free flowing at malaki. May presence ng uric acid merong crystallized at merong long strands din along with cholesterol. Syempre magiging alarmed kasi may warning na ang blood ko na hindi na healthy ang lifestyle na ginagawa ko. Kelangan mag alkaline water dahil acidic ako, fruits at green leafy veggies para sa dugo.

Tumingin-tingin pa rin sa paligid ng mga stalls, nagpamasahe na rin gamit ang malunggay oil sabi ni are sa akin kailangan basahin yung nabubuo sa back ko at isang overhaul ang kailangan, testing ng iba pang products hanggang sa umalis na rin ako para tuloy ang paggala sa mall, left and right nilibot. Tumingin rin sa art gallery, mga memorabilias. Gusto ko nga sana kumain pero after nung mga advice ni kuya sa akin regarding fatty foods, hindi na ako tumuloy kahit gusto kong try ang twister fries that time. Nag settle nalang ako na kumain ng bread pati na ang fave ko tuna turnover sa French baker.

Tumingin kung anung movie ang palabas ngayon, Hole yung Horror genre then na-astigan naman ako sa "Red" movie ni Bruce Willis kasama ang mga tanders na old but terrible pa rin. Dumaan rin sa Cyberzone paraq tumingin ng mga gadgets, sa BioResearch sa mga new breeds of pups nila.

Shet talaga nung tipong gusto ko nang umuwi, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. With matching pang pagkalito kung saan ang malapit ang Shaw kung san Bldg A o B ba. Hehe. Tanga talaga.Sinuong ko tuloy ang slight rain at tumawid papuntang Shaw, samahan mo pa na hindi gumagana ang escalator, kainis talaga. Pawis mode na naman sa pag-akyat, tapos marami pa akong bitbit. Supposedly, mag roundtrip ako pero tama ang nasakyan ko at Northbound siya. Buti nalang at hindi masikip.

Patuloy pa rin ang pagulan hanggang sa Quezon City, mga alas-6 na iyon ng gabi. Antok na rin ako at pagod na ang paa ko sa kakalakad. Sumakay na rin sa jeep terminal at buti nalang malamig ang hangin niya. Nakauwi na ako sa amin bandang alas-7 ng gabi. Andun si Papa at pinatikim sa akin ang experiment niya, kala ko naman kambing, tuna at salted eggs siya, masarap siya at marami akong nakain.

Pahinga ng ilang oras, nanood pa ako ng Misteryo, hindi ko na naman nasimulan as usual. Pero sa lighthouse ang katatakutan. Naalala ko na naman ang lighthouse sa Cabra at hawig siya nito dahil lumang model na panahon pa siya Kastila na ginawa. Nakatulog sa sobrang pagod at hindi ko na nailigpit ang dala dala ko.

4 Reaction(s) :: Moling, Stroling, Galamowd, Basar at si Juan

  1. Yung episode kagabi ng Misteryo, Lighthouse? sa Capones Island yun sa Pundaquit, Zambales, napuntahan ko na yun. Maganda dun par, subukan mong magbeach dun sa summer.

    Nga pala..sobrang busy ng post na to ah.

  2. akala ko nman puro kagubatan lang ang tinatahak mo.. pati na ang lungsod.. hehehe


    anu ung ginawa ni papa mu dun sa salted egg xka tuna? na-curious naman ako dun.. hehehe

  3. nag moling si uncle oh... ano nabili mo? :D

  4. @mokong
    ahehe, halata ba. oo nga ganda daw dun, sa summer pag may time

    @kiko
    syempre pinaghalo halo niya anu pba, masarap siya pramis

    @em pi
    madami akong nabiling pagod uncle