Nawiwilie


Kakatapos lang panoorin ng new gameshow starring Willie Revillame. Natuloy rin ang program after so much of derail from Kapamilya. Pinakita ang timeline nito mula sa pag-alis nya, sa pagfile ng kaso sa kanya hanggang sa paglipat niya sa Kapatid.

Yung opening theme, medyo nakakahilo at ang dami ng tao. Hindi na sila magkasya sa stage, hehe! Sabik ang lahat na makita si Willie. Andun rin ang mga bigating executives ng TV5 pati na rin sina Sen. Villar, anak nito at ilang mga artista. Mukhang sobrang init ng place at nagtanggal pa ng coat si Willie at pawis na pawis. Maski si Senator nakita ring nagpupunas.

Ok naman ang mga games na pinalabas. Kaunting tuning nalang sa paraan ng pag-exit ng mga players at sa likod nalang sana sila pinadaan. Nakakaaliw din mga ito, kakatawa yung putukan ng lobo. Andun pa rin ang flagship format na willie of fortune kung saan kinukuwento ang buhay ng mga contestant at mga struggles nito.

Hindi ko lang alam kung tama ba ang desisyon nila na ilagay sa ganung oras ang programa nila. Oo nga at sawa na tayo sa drama at mga patayan. Pero hindi lang naman iyon ang inaantay ng mga tao na marinig sa balita. Gusto rin nila malaman kung merong paparating na bagyo o kaya anung sakuna ang nangyayari. Kaw ba manonood ka pa kung alam mong kelangan malaman mo ang aktwal na taya ng panahon kung san siya patungo upang mapaghandaan ito.

Well tingnan natin kung mapapabago niya ang viewing habit ng mga Pinoy lalo na't nakasanayan na natin manood ng balita sa ganitong oras kahit pa sabihin mong nakakasawa na siya at paulit-ulit minsan. Pwede namang ilipat siya sa tanghali, pero hula ko eh sinusubukan lang nila at experimental ang oras na ito kung kakagatin ng tao and eventually malilipat rin siya.

Nevertheless, Congratz kay Willie sa kanyang bagong program at sana makatulong pa siya sa mga mahihirap at makapag-bigay saya sa mga manonood nito. Mabuhay ka Willie!

4 Reaction(s) :: Nawiwilie

  1. nanood din ako nito kanina... para nga akong nanuod ng wowowee sa gabi.. nakakapanibago.. pero ayus naman maraming kulitan... congrats kay willie...

  2. Napanood ko rin, sinubiukan ko lang...para ngang wowowee din sa gabi. Pati anggulo ng camera, stage, format wowowee.

    Pero Eat Bulaga pa rin ako. Sorry kung negative ako dito, ayoko lang kasi kay Willie nayayabangan ako, napaplastikan. Hehe

  3. napanuod ko din paps, mga last part na nung show...
    uhm, ok naman, yung host lang ang ayaw ko (grr)

    ok na din, bahala sila sa mga buhay nila hehe, kung dyan gusto sumiksik ni willie boi eh, hayan na, kaso sana mag-guest sya kay joey de leon :D

    basta nakakatulong sa mahirap, ok na din

    auko pa rin sa host! (grr)

  4. salamat sa inyong kuro kuro guys! appreciated!