Rehab

Daming pagbabago talaga at knowing ang company kung san ako ngayon, change is really constant here kaya dapat mag-adapt kundi mapagiiwanan ka talaga. Isa na rito ang paglilipat lagi ng pwesto ng cubicle, hirap kaya maglipat-lipat ng mga gamit, lalo na't maraming abubot ka nang nilagay dun sa pwesto mo. Isama mo na rin ang recent memo regarding sa browsing of sites.

Hayz, kakalungkot talaga. Ika nga ni Nerissa (college classmate), think of it na parang rehab ko dahil adik daw ako sa blogging masyado. Kaya wag kayong magugulat kung hindi ako makakapag-update within a couple of days pero syempre pag me oras at maaga nagigising, eh punta agad ako sa shop para makapagt-update pero iba pa rin kasi yung fresh pa yung event sa isip mo at ilalagay mo sa blog mo.

Well, ganun talaga ang buhay. I love my job and blogging pero you have to sacrifice something in order to keep/gain something. Kaya tyaga muna sa pag browse ng mga news/current events. Hanggang sa muli.

6 Reaction(s) :: Rehab

  1. haller napadaan ditei~~~
    natawa ako dun sa sabi ng college klasmyt mo parng nakarelate din ako dati na parang irerehab ako dahil ang adik ko na sa blogging lols~~

    pero di naman lahat ng oras pwede ka magblog may mga bagay na mas priority mo muna bgo magblog,,,,HIHI

  2. TAMA si unni.... may mga bagay na mas priority.

    bumili na kasi ng pc sa bahay mo.

  3. Nakakaadik nga ang blogging parekoy.. parang routne ko na rin to araw araw, magbasa, magpost at mag bloghop. Hirap iwan parang yosi na hirap tigilan.

  4. oks lang kuya... kahit kailan ka bumalik.. anditech pa rin kami ahihihhi

  5. lipat ka nalang sa dept namin kasi.
    hahaha!!!

  6. @unni
    thanks for the visit // hindi naman sa kaadikan // mahirap na at matanggap kapa dahil dun // kaya kaunting hinay muna sa blogging at paguupdate dito

    @marco
    auko nga, dslr ang prior ko ngayon, gagawin ko nalang uupload ko sa taptap nyo ang mga pics

    @mokong
    mabuti nang maadik dito kesa sa iba pang bagay. nyahaha. thanks sa pagdalaw parekoy.

    @yanah
    thanks mami // every week naman or pag may pagkakataon eh makakapag update naman ako

    @von
    haha, saka na pag may exp na sa ganun// for the meantime, im thinking of applying sa kapitbahay naming function.