Mula nang magsimula ang Asian Games sa Guangzhou, China. Ang magarbong opening ceremony lang ang napanood ko at pagakatapos nun ay parang kabuteng nawala na ang inaasahan kong coverage na palaging ginagawa ng NBN (Channel 4). Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi sila nagpa-accredit bilang media partner sa Asian Games, habang ang ibang bansa ay masayang tinututukan ang bawat takbo ng labanan ng mga atleta. Ano ang ginagawa nila, isang linggong Manny Pacquiao ang laman ng balita, tutok sila before, during at after ng laban hanggang sa makauwi mismo ito at bigyan ng heroes welcome.
Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sa ating mga atletang Pinoy kung ano ang kanilang pinapamalas na galing. Makikita mo nalang sa Internet at sa mga pahayagan ang medal standings natin at kung ano na ang ranking ng ating bansa. Hindi ko masisisi ang blogger friend kong si Semaj kung bakit ilang beses nyang pinupunto ito sa kanyang blog tungkol sa walang pakialam na attitude ng mga kawani ng gobyerno na naatasan sa isports. Puro nalang ba kung san kikita tayo at nawala na ang spirit of nationalism?
Mas nakakainggit pa ang bansang Tsina kahit pa sabihin mong komunismong bansa sila, kahanga-hanga ang taas ng antas ng disiplina nila sa paglinang sa kakayahan ng kanilang mga mamamayan. Mula pagkabata palang sinasanay na sila ng mga ito hanggang sa mahinog na at pwede nang ipanglaban sa kumpetisyon sa loob at labas ng bansa. Habang tayo, unti unting nabubulok at kung kukumpara sa isang tao eh unti-unting naghihingalo at tuluyan nang mag-comatose ang kalagayan ng isports sa bansa.
Current Standings:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ok n ang pang seventeen number 1 naman si manny eh. hehe
kikilabotz
November 18, 2010 at 2:15 AMhindi lang naman sa larangan ng palakasan kailangan ng pagpupursige. oo madami pa tayong dapat gawin at hindi lang iyon magagawa ng iilang may malasakit sa bansa natin. ang bansang tsina, nagagamit ang populasyon sa kanilang ikauunlad. sana ay gayahin natin ang magandang halimbawa na ito. darating din tayo dun! hehehe.
paci
November 18, 2010 at 2:27 AMhmmnn i wasn't aware of this. dati naman nung nasa sportsradio ako may coverage ang nbn4
.
.
kawawa naman ang mga atleta natin
Désolé Boy
November 18, 2010 at 8:05 AMme asian games pala... kundi dahil sa post mo di ko malalaman....
buti kahit panu nakabingwit tayo ng isang GOLD hehehehe :D
achievement na yon...
egG.
November 18, 2010 at 3:10 PMkakasad nga kasi hindi na talaga nabibigyan ng pansin ang mga atletang pinoy kaya ako hindi ko na tinuloy ang swimming , wala naman pondo ang gobyerno para sa athletes nila . ngayon pang mayaman nalang ang sumasali sa pampalakasan .. kakalungkot diba ?
chino
November 18, 2010 at 4:26 PMMay kamahalan kasi kuya ang sinisingil daw ng mga organizer para i-kober dito sa atin yan. Kaya ang resulta, walang nangahas na mag-kober nito.
Jeybee Rondee
November 18, 2010 at 7:04 PMay hala may ganitong laro ba na nagaganap ngayon.. takting pilipinas... di proud.. tsk2...
WV: smsyearb
Anonymous
November 18, 2010 at 7:49 PMsalamat po sa pagbibigay ng inyong kuro-kuro. siguro kelangan hindi rin natin isisi ang lahat sa government kelangan bawat isa gumawa rin ng aksyon para sa ikauunlad ng bawat isa, domino effect yan at pag tuloy tuloy na siya darating rin sa sports yan!
Jinjiruks
November 18, 2010 at 10:14 PM