Kwentong Undas

Hindi ako naniniwala sa mga multo at kung anu-anong maligno pero at the same time ayoko ring makakita dahil baka himatayin lang ako sa takot or kumaripas ng takbo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nakakita talaga ako ng aktwal na aparisyon. Pero eto yung ibang karanasan ko na minsan nagpapatayo ng balahibo at bilis ng pintig ng puso. Tamang hinala ika nga..

1 ] Nung nasa Intelligraph pa ako sa Agustin Building, oo yung bulok sa Emerald avenue. Nasa pinakataas na floor kasi kami at one floor below lang ang elevator. Nasa 11th kami at nasa 10th floor ang office ng OPAPP (Office of the Presidential Affiars on the Peace Process). Eh government iyon kaya walang OT pag gabi. Kadalasan kasi, anung oras na kami nakakauwi dahil sa demand ng work. Pag aakyat ka dun kelangan mo talagang dumaan sa floor na iyon, sobrang creepy niya kasi nakapatay lahat ng ilaw. Hindi man lang magbukas kahit isa para hindi nakakatakot. Tuwing bumababa ako para bumili ng pagkain kelangan talaga na tumakbo ako dahil kakaiba ang pakiramdam at napapalingon ka talaga sa madilim na parteng iyon. Ayoko maghinala pero parang me naaninag akong nakaputi sa loob kaya naman tumayo ang balahibo ko at tumakbo agad ako paakyat.

2 ] Nung nasa Chase na naman ako, sa Philamlife building. Yung floor ng clinic eh nasa 31st at nasa 12th naman kami. Nightshift na ako nun. Kumuha ako ng gamot dahil na LBM na talaga ako, hindi ko na kinaya kaya naman nagpunta na ako sa CR malapit sa floor na iyon. Napakatahimik ng lugar, wala yung guard na nagbabantay. Kainis, sobrang tahimik, hindi ko alam kung naglalaro ba yung isipan ko. Nakarinig ako ng iyak ng isang babae. Nasa loob ako ng cubicle nun, ginagawa ko kumanta nalang ako para hindi ko maisip yun. Hindi na ako tumingin sa salamin at bumaba agad ako sa floor namin at nag pretend na walang nangyari.

3] Nasa Cabra Island kami nung summer sa lugar nina Jay. Inantay namin ang dapit hapon para kumuha ng larawan ng sunset. Sobrang pag-eenjoy, hindi namin namalayan na madilim na pala. Ayaw naman namin umakyat sa shortcut dun sa cliff dahil nga masyadong matarik nun at baka mahulog naman kami. Kaya no choice, walang tricycle na dumadaan pag gawi, nilakad nmin ang kalsadang madilim. Bukid kasi iyon at walang bahay. Kakatakot kasi, walang ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan ang aming guide. Sobrang dilim. Maraming kwento sa lugar na iyon na nanunukso ang mga engkanto. Kasabay na rin ng punong Balete na tumutubo sa lugar na iyon. Akala namin naliligaw na kami dahil halos magkakapareho ang kalsada na aming tinatahak. Kung alam niyo lang kung gaano ang kaba na aking nararamdaman nung mga oras na iyon. Naka-ilang Ama Namin ako, tinakpan ng tuwalya ang kanan tenga ko. Buti nalang at nakita rin namin ang liwanag ng unang streetlight sa nayon at saka kami nagmadaling naglakad patungo dun. Pagkadating sa bahay saka namin naikwento sa kanila ang nangyari sa amin. At sinabi nila na ganitong oras wala nang nagtatangkang maglakad sa daan na yaon.

4] Natakot din ako dun sa tinutuluyan namin sa Sagada, hindi ako makatulog, siguro namamahay lang ako. Naglalaro na naman ang aking imahinasyon. Ayokong buksan ang ilaw dahil natutulog pa ang mga kasama ko. Pero binuksan ko saglit at nakakatakot kasi puro usok ang bahay. Nasa mountain range kasi kaya ganito talaga. Pero ewan ko, anung hiwaga ang bumabalot sa usok na iyon at hindi ako mapalagay. Next time, gusto kong matulog nang may katabi at ayoko sa malaking kama huhu. Mamaya may humipo pa sa aking malamig na kamay.

8 Reaction(s) :: Kwentong Undas

  1. Happy Halloween... dami mong experience na nakakatakot tol ah.. ako rin marami, naikwento ko na yan 2008 pa yata... may doppeldanger kasi akong naencounter, trice nagpakita sa akin...

  2. me nagkwento na rin sa akin nang ganun. kung sa akin iyon, mahihiya iyon, gwapo ko kasi para gayahin niya!

  3. hihih.. katakot..

  4. waaaaaaa kuya.. hindi ko alam na may something-something kang naramdaman nung nasa sagada tayo.. hehehehe

  5. gusto ko din me katabi sa pagtulog saka sa mas maliit na kama para mas close kami.

    hindi dahil sa takot kungdi para sa labing-labing. heheh

  6. @pecho
    hindi kaya

    @yanah
    hehe / wala iyon praning lang ako

    @alterjan
    nice naman / ako kasi malakas humilik kaya walang magkakagusto tumabi sa akin

  7. wahehehe... di ako papahuli jan... dami din akong experience... wahehehe

    WV: dedrogr - bumagay ata

  8. @kiko
    hehe / go paikutin na yan