Path 1 - Diretsong daan, walang problema. Smooth ang byahe, nakasanayan na. Ilang taon na rin. Pero walang pagbabago at nakakabagot. Pakiramdam ko wala na akong matutunan sa pagtahak dito. Ilang buwan pa ang aking aantayin kung meron mang pagbabago.
Path 2- Daang medyo bako-bako, palibhasa'y bagong daan. Hindi alam kung makakarating ba ng maayos sa dulo. Hindi sigurado kung kakayanin ba ang mga pagsubok at challenge na madaraanan pero maraming pwedeng matutunan sa pagtahak sa landas na ito. At maging susi pa sa magandang pagbabago at motibasyon.
Path 3 - Daan na walang kasiguruhan, hindi matanaw kung anung nasa dulo; kung ito ma'y kaligtasan o kapahamakan. Kung magandang kinabukasan at istabilidad ang dulo o kasawian ng buhay.
Malapit nang umabot sa punto na darating ang oras na kailangang mamili. Panahon ang kalaban at minsan lang dumating ang oportunidad sa pagbubukas ng mga daan na kailangang tahakin. Nawa'y maging matalino ako sa pagpili kung san daan ang makakapagbigay sa akin ng kapanatagan ng pagiisip at ikasisiya ng kaluluwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pwede path 4 walang daan.. or path 5 the way of God... weeee... hehehehe
Anonymous
November 7, 2010 at 1:04 AMchoose the path kung san alam mo na maggrow ka.. di bale ng bako-bako.. ganun naman ang buhay eh.. maraming twitches na madadaanan.. we learn, we becme strong from those twitches and glitches na dinadaanan natin. its what makes our life more meaningful.. oo, mahirap, pero un ung magdedefine kung ano tayo, sino tayo at kung asan dapat tayo..
Trainer Y
November 7, 2010 at 2:39 AMpag-isipan mong mabuti kung ano ang nasa puso mo.. kung ano ang nasa puso mo sundin mo! what!? sexbomb girl! napakanta ako dunah....wahahahaha
EngrMoks
November 7, 2010 at 12:22 PM@kiko
kung merong ngang ibang path bakit hindi dba, pero sa ngayon tatlong path ang nagopen mula sa isang straight line
@yanah
very meaningful ang comment mo, thanks sa advice at pilit kong isasapuso yang sinabi mo
@mokong
haha/ salamat sa pagpapatawa at naging light ang mood ko
Jinjiruks
November 7, 2010 at 2:51 PMsa mga ganyang kelangan mo talagang mamili, hirap na hirap ako. Hindi ako marunong mag weigh ng mga bagay para masabi kong fully decided na ako at kaya ko nang mamili. Sabi nga nila, decide what you want then panindigan mo na lang til the end. Ang hirap din kaya nun.
Anyway, hope makapag decide ka nga ng matalino dyan sa mga daang yan. Sa dulo, ikaw pa rin naman ang mamimili. Happy Monday! :)
Dear Hiraya
November 8, 2010 at 9:14 AM@fjord
ganun na nga po ang magagawa ko kundi panindigan kung anu man ang napiling desisyon. Happy Monday rin sau at salamat sa advice fjords!
Jinjiruks
November 9, 2010 at 12:50 AM