Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula nang nag semi-retire na naman ulit ako sa paglalaro. Last games na nilaro ko eh yung private server ng World of Wacraft at Cabal Online. Kung hindi lang talaga nagka-problema sa part ni Angelo hindi naman talaga ako titigil lalo na't kinakarir ko ang WoW that time sa aking tauren druid.
Hayz, kagaya nga ng text ko sa friends ko, bakit kaya ganun. Nung nag-aaral pa ako, marami akong pera na panlaro at tuwing weekends buong araw babad ako sa computer shop at gabi na nakakauwi, meron pa ngang instance na overnight para lang makasabay sa pagpapalevel sa mga tropa na kasabayan ko rin sa paglalaro ng isang game.
Pero ngayong may trabaho na ako, hindi ko na magawa ang mga ganung bagay. Yung free time ko either nag Facebook at check ng emails nalang ako o kaya matulog nalang buong araw pambawi sa kulang na oras pag me pasok sa weekdays. Nakaka-miss na talaga. Though hindi naman ako ganun ata pero pakiramdam ko, parang hindi balance ang social life ko kung walang computer games, ang isa sa mga divertion ko kung stressed out ako.
Ang mga barkada na kasama sa paglalaro, ang kulitan, angas, palakasan o paunahan sa pagpapalevel. Ang tsibog time pag tapos na laro. Tuwing weekend ganito palagi. Hanggang sa umabot sa pagdalo sa mga events ng game publisher tuwing may bagong patch or major updates/episodes ng isang game.
Gusto ko sana bumalik pero hindi pa rin ako makapili kung anong game ang lalaruin, na hindi naman ako mahuhuli pag weekend lang ako maglalaro. Na available siya kahit sang shop, yung game na worth ng time/energy at lalo na pera. Choosy ako pagdating sa mga ganyan. Siguro pag nakabili na ako ng PC at may internet connection baka balikan ko lang ang WoW.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ay ako, basta, hindi magreretire sa paglalaro. Sa ngayon ay inuulit ko ang Final Fantasy VIII, disc 2 na ako. hehehe
Anonymous
November 10, 2010 at 1:08 AMonce a gamer, always a gamer. hehe
Alter
November 10, 2010 at 5:40 AMButi ako hindi gaano naadik sa mga laro...once na nasimulan ko hindi ko natatapos...yung warcraft nga hindi ko natapos...yung grand theft auto at need for speed, hindi ko rin natatapos...
EngrMoks
November 10, 2010 at 7:55 AMdi pa rin ako magreretire.. POKEMON forever san man silang sulok mapunta.. wahehehe
Anonymous
November 10, 2010 at 1:08 PMadek lang sa ol games.. hehehe... bigla ko tuloy namiss ang ran online :)
egG.
November 10, 2010 at 5:21 PMthanks po sa inyong mga kumento, hindi pa naman po ako retire eh, it's just wala po akong time para makapaglaro ulit at iniisip rin kung worth ba ng time/energy and money ang pagiinvest sa isang game
Jinjiruks
November 11, 2010 at 12:55 AM