Usual na panata ko ang pag-jogging. Kaya pag weekends, I make sure na kahit kulang ako sa tulog or tinatamad, kelangan bumangon at mag-ayos na sa sarili. Hindi ko namalayan, katatapos lang pala ng ulan that time. Sumugod pa rin ako, at tiningnan na rin kung meron kayang nagpupunta dun kahit hindi maganda ang panahon. Medyo tuyo ang kalsada papuntang San Jose. Meron din pala nagpupunta rain or shine. Kakatuwa nga. After an hour and a half, umuwi na ako at nagpahinga. Grabe ang sobrang pagkatamad ko na buong araw wala akong ginawa kundi mahiga lang at mag-text sa mga SMS-mates ko. Hindi ko alam kung bakit, maski mag-Net nga hindi ko nagawa.
Then nag-text naman itong si Mami Yanah at pinapapunta ako sa Cubao, nagdadalawang isip pa ako dahil nga tamad na tamad ako. Napapayag din niya ako sa huli, dahil sa pagkain, joke. Alas-6 ako umalis sa bahay, akala ko traffic hindi naman gaano. 30 minutes early ako dumating. Gala mode lang sa Gateway habang inaantay sila, kinausap rin sa pareng XT tungkol sa isang non sense issue na hindi na dapat patulan pa. Nagkita-kita rin kaming lahat at sobrang gutom na at around 8pm. Kain muna sa Pizza Hut, yay! matitikman ko na naman ang peborit kong shrimp and garlic pasta nila.
Ayun, kaunting kwentuhan at balita sa kapwa blogger kahit saang mundo man sila nabibilang. Nakilala ko rin si MB blogger din. Halos tawanan lang at balitaan kami hanggang sa lumipas ang oras at sarado na pala ang mall. Gumala muna sa labas ng Araneta, tried to text bunso pero off the way daw ang cab na sinakyan niya kaya hindi siya makakahabol sa amin na ngayo'y nasa Wendy's pati na rin si Kheed na nag-text na susubukang makahabol. Oh well, may next time pa naman.
Jin with Yanah, MP at si MB (kontrobersyal kaya hidden)
hoy bawal yan sa mesa
Kanina nag-jogging ulit at himala hindi ko nakita si kuya porma kanina. Siguro tinanghali ng gising. Nagpunta rin sa tulay malapit sa school. Senti mode saglit. Hayz, sana linisin nila ang ilog bago maging Pasig river ito at mahuli ang lahat. Nakauwi bandang alas-8 ng umaga. Text-text ulit sa fwens. Mamaya laban na ni Pacman. Sana manalo at pang 8th world title na ng Greatest Boxer of all time.
parang diary lang e no... hehehe!
hey, magsulat na at isubmi na baka tayo ang mapili ng trip na trip.
eMPi
November 15, 2010 at 7:08 AMhehe/ sige na empi pls pls pls
Jinjiruks
November 15, 2010 at 1:30 PM