Natapos ang Weekdays sa Speak Training and salamat Nancy sa pagpapatawa though hindi naman niya intentionally gawain iyon. Kahit papano napatawa mo ang grupo sa training. Iyon minsan ang kailangan para ma-ease ang minsa'y tensyonadong environment. Ito ang isa ko na mami-miss paglipat ko sa dayshift team. Ang bilis ng oras, tawanan at minsa'y napapa-headbang kung kulang ka sa tulog. Kaya naman nilulubos ko na ang ilang araw na nalalabi ko sa team kung saan isa ako sa pioneer dito at nagbukas ng panibagong kabanata sa aking buhay.
Salamat in advance sa mga taong nakasama ko, merong mga dumating at umalis, maraming struggles na pinagdaanan, pero eto proud ako sa achievement natin guys, from a mere "project" hindi natin na-expect na magiging permanent "function" siya at na-boost natin ang confidence ng domestiv counterparts natin na dito ipadala ang most of the workload. Kudos to all of us for the hardwork and dedication.
Mami-miss ko ang panlalait nyo sa akin, sa akin receding hairline na hereditary naman, ang rhotacism speech defect ko na hindi ko ma pronounce mabuti ang words na may "r" at nagiging "w" siya, salamat Angie sa pagsasabi nito sa kanila. Tunay kang kaibigan sa pangaalipusta mo sa akin. Hehe! Ang walang katapusang pamumuna niyo sa lahat ng ginagawa ko, sabagay artistahin kasi kaya ang daming detractors, well - bad publicity is still publicity, napag-uusapan kapa rin kahit low profile ka lang sa work. Syempre Kuya Vic, ang showbiz clan nating mga Eigenmann, walang kupas talaga.
Syempre pag-uwi, akala ko pa naman jampack ang magiging sched ko, iyon pala hindi pa pala ako sure kung tuloy ako sa mga events na pupuntahan ko, it end up na nag-net nalang ako for 4 hours at ayun update lang po sa blog, emails and social networks. Though hindi natuloy ako, happy naman ako at kahit papano nakausap ko ang ilan sa mga non-showbiz friends ko at nakipagbalitaan sa kanila,
Ronald honga pala hindi ako sure dyan sa herbalife products na sinasabi mo, ang dami kong dapat i-consider diyan sa financial aspect kung priority ko ba siya or hindi. Iyam, angas sa picture ah. Tere and Mark, see you po sa annual college reunion natin, kahit kaunti lang tayo, basta mairaos lang natin ang taunang tradisyon natin na hindi dapat palagpasin at laging top priority dahil dito lang ang pagkakataon nating magsama-sama at sariwain ang mga masasayang moments nung nasa college pa tayo.
Ilang oras rin akong nakatutok sa bidding sites like Ebay and Sulit para tumingin ng mga cameras na abot sa budget, ilang buwan ko ring kinakarir at pinagiisipan ito kung anung brand at model at kung worth and if there is really a need to buy this. Sa ngayon hindi pa rin ako makapag decide kung bibili ba ako, iniisip ko rin kasi ang gastos ngayo't nalalapit na naman ang Pasko at may mga inaanak ako at umabay sa binyag/kasal.
Pagkauwi naman, hindi rin naman ako nakatulog dahil nanood pa ako ng palabas sa TV (si Gov. Toto ang nasa HotSeat sa Bottomline, since anniversary ng Maguindanao massacre, Sports Unlimited naman eh Airsoft ang coverage pati na kay Manny) as usual kahit hindi naman ako manood, hindi rin naman ako makatulog sa ingay ng mga pesteng tambay na yan na kung akala mo eh sila lang ang tao sa subdivision, mahirap naman pagsabihan kasi ginagantihan ang ilang mga gamit mo, baka mamaya mapagdiskitahan ang owner namin kaya tahimik nalang kami. Mga alas-4 ng umaga na rin sila natapos and as usual hindi ako nakatulog kahit pinilit ko at inantay ko nalang mag 4.30 para mag-ayos para mag-jogging.
Kaso, saka naman umambon nung paalis na ako, malas naman talaga at kung bakit inabot pa ako at hindi pa umalan nalang sana nung Sabado kesa ngayon, inantay kong tumila ang ulan at nagpatuloy pa rin ako. Kasira ng getup ang putikan talaga. Pagdating naman sa school oval makikita mo naman na may ibang events rin andun at hindi ako nakapag jogging nang maayos dahil itinabi kami sa isang lane lang habang may relay events ang isang school, samahan mo pa ng nagba-badminton ladies sa tabi ng covered court at pagdating naman ng mga gir/boy scouts sa area, kahit ambon jampacked ang school oval. Wrong timing talaga.
Nagpahinga nang kaunti pagkarating sa amin, bumili ng bibingkang galapong, kainis "bahaw" na siya at mukhang matagal na, though namili pa ako niyan ah. Hindi ko rin naubos ang palabok na binili nila, naumay na rin siguro ako dahil bawat paguwi ko pag weekdays, either pandesal or iyon ang nadadatnan ko kaya minsan paluto nalang ako ng noodles para maiba naman o kaya taho.
Napanood ang special program ng Matanglawin kung saan nagkaroon ng overview sa mahigit na 2 taon sa pag-ere nito, nagkamit ng kabila-kabilang awards bilang Best Educational/Environmental/Magazine show sa loob ng 2 taon na pamamayagpag nito sa ere. Pinakita ni Kuya Kim ang kanyang mga attire na siyang lucky charm niya sa bawat taping nito. Pati na ang mga di-malilimutang experience niya sa iba't ibang hayop at pati na rin sa mga tao na nakakasalamuha niya. Talagang hindi nagkamali si Ka Ernie Baron sa pagpasa ng legacy kay Kuya Kim.
Nakatulog rin bandang hapon matapos panoorin ang sobrang haba na tadtad sa commerical na Sigaw na tampok sa Kapamilya Blockbuster, grabe mula 9.45 anung oras na siya natapos, ang 2 movie eh na-fillup salamat sa kaumay-umay na mga TV commercials. At supposedly pupunta ako sa mall para tumingin ng shoes at pants at bibili na ako paunti-unti para sa pag-abay ko sa kasal next month. Kainis ang hirap talaga pag hindi ka nagpupunta sa mga ganitong event, kelangan bumili talaga dahil wala namang nagpapahiram. Problema ko pa ang suit kasi up to now wala pa akong nakakausap or marerentahan. Bahala na siguro.
My first ever entry to Sports Unlimited "New Adventure mo Ikwento Mo!", this week's theme - Serenity. Hoping for the win! Photo was taken last February 2009 at Caleruega.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: si Nancy, last days at memories sa pilot function, ang asaran at kulitan, muntik nang maudlot na pagtakbo, Kuya Kim, ang bahaw na galapong at kung anu ano pa
Post a Comment