teh Usual weekend

Saturday ng umaga, honda na naman sa pag-uwi. Sakit na rin ng ulo na rin kasi. Kakalungkot kasi sa katapusan ng buwan ang huling araw ko kasama yung mga co-agents sa function. Nostalgic dahil 2 days nalang at balik dayshift na rin ako after 2 years ng pagpupuyat at pagkokolboy sa gabi. Ang kape, ang juice, ang tawanan, ang kutsaan atbp na hindi ko malilimutan sa kanila.

Natulog nang sandali para makabawi ng lakas, bago ako nagpunta sa NetCafe para makapag-update sa social networks at check na rin ng emails. Pagkauwi nood ng TV hanggang sa makatulog after manood ng Bottomline at Sports Unli.

Sunday morning, buti maganda ang panahon, jog mode as usual. Syempre inspired na naman ako kasi andun ang crush kong jogger, hindi niya lang alam na pinagmamasdan ko siya, at sinusubukang bumuntot sa kanya. Hayz, sana lang makilala ko siya at makuha ang pangalan para kasabay ko sya palagi everytime na pupunta sa school oval. Ilang buwan na rin kasi akong mag-isa lang mula nang tinamad ang mga kababata ko sa pag-jog. Na sana eh makasabay ko ngayon dahil saka lang nila naiiisip na para rin naman sa kanila yung gagawin nila.

Kainis rin ang Misteryo nung Sunday evening, kala ko pa naman bagong topic, iyon pala overview na naman ng past experiences nila. Yung mga personal accounts ni Ryan Eigenmann sa bawat ghosthunt nila. Sana next time, bagong episode na ulit. Nakatulog na bandang alas-3 ng umaga, ewan ko ba hindi ako nakakatulog agad. Kasi naman yung teh Grudge na yan, naiimagine ko yung babae at ung bata. Kainis.

Monday, imbes na holiday at makakapag pahinga, me pasok as usual hehe! Pero ok lang yan, last 2 days lang at malaking pagbabago na naman sa buhay ko.

4 Reaction(s) :: teh Usual weekend

  1. weeee.... enjoy life...

  2. thanks kiko, you too!

  3. yung The Exorcism of Emily Rose naman ang hindi nagpatulog sken ng ilang gabi! napanuod mo nb un??

  4. san ka nag wo-work dati? tsaka ngayon?

    baka ako yung nakaka sabay mo mag jog kasi meron din akong crush jogger eh.. haha!

    nakakarelate din ako dun sa kwento mong yun
    ;p