Makakapagpahinga na rin ako sa wakas at natapos na ang lahat ng mga utang ko na mga big events nitong nakaraang dalawang linggo mas napagod pa ako sa pagaantay na dumating ang araw na iyon kesa sa aktwal na event. Pasensya naman at hindi ako nakarating sa ilang engagement dahil na rin sa 'di inaasahang mga pangyayari.
Natapos na ang Chase yearend party, uhm no comment nalang at mahirap na. Pati na ang wedding kahapon ng officemate kong si Khris, Best wishes nga pala sa iyo at nag-enjoy po ako. Marami akong nakilalang new pwens sa wedding. Sorry ulit at hindi ako nakapunta sa PEBA awards na gustohin ko man pumunta kaso dahil sa katangahan ko at na-sprain pa ang paa ko kaya hirap akong maglakad nitong nakaraang mga araw.
At yay ulit at nightshift pa rin kami next week, sana nga lang at diretso na nila at sa January nalang sila mag-isip kung ano ang kahihinatnan naming anim. Hindi pa kasi tapos ang access namin sa ibang system na kailangan sa function. Ayoko muna isipin yan at weekend ngayon at pahinga muna ang aatupagin ko. Saka na yung utang na mga pictures mula sa Yearend party at sa wedding at uupload pa ata nila pag may time sila.
Sa ngayon mga mini-appointments nalang ang aatupagin ko ngayon lalo na't lumalapit na ang kapaskuhan. Hindi pa nga ako nakakabili ng gift sa inaanak ko at baka perahin ko na naman siya gaya nung nangyari sa kasal. Hehe, sorry naman. Nakakatamad kasi mag shopping at ang daming tao kasi at siksikan pa. Hayz, sana nga yung pangarap kong camera eh mabili ko na kung hindi man ngayong taon eh bago man lang umabot ang birthday ko sa February merong Canon DSLR na ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
bilhin mo na kasi... :0
eMPi
December 18, 2010 at 9:02 AMtaga chase ka pala ah
Shenanigans
December 18, 2010 at 12:34 PMmay mga friends ako sa Chase.
.
.
mga dating kamag-aral
Désolé Boy
December 18, 2010 at 1:39 PMhehe, bigay nyo sa akin ang name nila..
Jinjiruks
December 19, 2010 at 1:41 PM