Nairaos nang maluwalhati ang Pasko. Simple lang ang handa namin na niluto ni Uncle at dun na rin sila nag-Pasko sa amin at natulog. Araw ng mga bata ngayon kaya naglipana para mamasko sa kanilang Ninong at Ninang. Hapon na rin nakarating ang nag-iisa kong inaanak. Ang laki na ni Kurt, at ang likot likot.
Kinagabihan naman, nagpasama kay Iyam at nagpunta sa QC Circle, grabe ang daming tao parang Luneta na siya sa kapal ng tao. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang tao. Lakad-lakad lang kami at usap tungkol sa DSLR as usual ang aming pangarap. Hehe! Then dumaan sa TechnoHub para kumain at kwentuhan sa mga travel namin this year at ang plano next year ng grupo niya.
For 2 days (Saturday and Sunday morning), jogging kasama si Thomas, high school batchmate ko. At least me kasabay na ako ngayon sa pag jog sa school oval at hindi na monotonous na ganun na lagi na nag-iisa palagi ako. Pero grabe naman ang training na introduce niya sa akin. Ok siya at talagang mararamdaman mo. Kaso ang epekto grabeng nanakit ang aking hita at balikat pero Ok lang. Sanayan lang yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kinarir mo na kuya ang pagjjogging
eMPi
December 26, 2010 at 10:37 PMhehe, healthy living tapos pag-uwi kain ng chicharon!
Jinjiruks
December 27, 2010 at 10:39 AM