Weekdays, puro training ng mga accounts, mahirap siya in the sense na bago itong ginagawa namin unlike sa previous function na document lang ang concern. Hayz, ang hirap niya intindihin, though we appreciate yung effort ng Team lead pero syempre sana bigyan muna kami ng overview sa mga fields sa system para alam namin kung para saan at kung ano ang titingnan. Oh well, looking forward sa patuloy na pag-intindi sa mga loans na binibigay. Pasasaan ba't makukuha rin namin siya at hindi na mangangapa pa sa dilim.
Syempre magkakasama kami divided into groups sa mga loans, patuloy pa rin ang bonding naming anim. Though nagsisimula palang at sa iba't-ibang department at LOB pa galing, tuwing lunch nagkakasabay naman kumain at naguusap sa mga issues either sa work or to each other. Alam naman namin na maghihiwalay rin kami once na matapos na ang night training and looking forward sa bagong makakasama once we hit dayshift probably next year. Nakakatakot at malaking challenge ang mga nangyayari ngayon pero this is the price/sacrifice that I have to pay/serve sa paglipat ko dito. Makakalagpas rin ako dito at makikita rin ang liwanag sa dulo ng madilim na tunnel na ito.
Busy this weekend sa dami ng appointments at party na pupuntahan. This Saturday, after work, bumiyahe pa ako sa Bicutan just to meet an Ebay seller, nice naman ang transaction. Iyon nga lang mainit na at almost 9am na rin at tirik na rin ang araw tapos dala ko pa ang malaking bag na nabili ko. Buti nalang at hindi masyado binusisi sa MRT, tried na rin ang new flavors ng Mister Donut pagbaba sa Quezon Ave. MRT. Nakauwi mga bandang tanghali na at super init.
Then umidlip lang ako for a few hours then me meetup naman ako from a long-time officemate way back to Oso days, supposedly 4pm ang usapan pero anung oras na ako nagising at ako rin mismo ang nag-set ng time for 5pm. Ayos na sana at makakahabol na ako at nag-aantay siya sa UP Bahay ng Alumni. Kaso ang buwakaw na driver, ayaw umalis sa bawat kanto nalang kahit walang pasahero. Nakakainis. 15 minutes akong late at nakakahiya kay Irene.
Well, la paring nagbago sa kanya, kagaya pa rin ng dati. Well-endowed pa rin at chubby kagaya ko. Puno ang ChocoKiss kaya lumipat nalang kami sa Mall para kumain. Marami siyang na-kwento about her work and family kaya hindi namin naramdaman ang paglipas ng oras na kailangan na pala niyang umuwi. Pero gumala muna kami sa Department store para maghanap ng masusuot ko for Sunday's corporate event. Thanks nga pala Irene sa pagpili ng suit and sorry kung medyo late ka nang nakauwi sa inyo dyan sa Laguna. Almost midnight na rin din ako nakauwi, nanood pa ng Sports Unlimited at Bottomline bago nakatulog at around 2am.
Then nagising at 5am para makapag-jogging. Finals na nga rin pala ng Milo National Marathon sa Luneta, though hindi ako makakapunta para panoorin siya, sinuot ko nalang ang Milo singlet papuntang school oval, im expecting na sasama sina Thomas at Jervin. Nagulat ako sa sarili ko naka-10 laps ako from the usual 4-5 laps lang ng pag-jog. Well it's really an achievement on my part and siguro ganung pace lang talaga ang dapat kong gawin para mahaba ang aking stamina at maka-complete nang mas maraming laps.
Nagpahinga muna bago pumunta sa NetCafe, isang linggo rin akong hindi nakapag-update kaya eto parang batang uhaw sa mga updates. Nag check lang ng emails, accounts, feedback sa Ebay, update ng blogs, check ng videos and music.
Mamaya na ang Chase yearend party sa SMX. Excited na ako at sana umayon ang panahon sa duration ng party. Sayang nga lang at hindi pa ako nakakabili ng new camera kaya kapal-muks na makikikuha nalang sa iba. Hanggang sa muli.
Training pa rin, busy weekend sa UP at SM North, samahan mo pa ng diskusyon with Irene pati na ang jogging kanina at ang party mamayang gabi
by
Jinjiruks
December 12, 2010
11:53 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ikaw na! ikaw na ang nasa year end event?! Hahaha!!
Von_Draye
December 12, 2010 at 9:50 PMnagpunta kba naman, hindi naman kita napansin dun
Jinjiruks
December 13, 2010 at 8:07 AM