Hindi naman siya nakakapagod pero pakiramdam ko drain na drain ako nitong nakaraang 1st week of training sa new function. Ewan ko, siguro nasa adapt mode pa ako at pinapakiramdaman yung paligid, new co-agents, system na gagamitin namin and interaction narin sa lahat. Hayz, mahirap talaga pag umalis ka sa comfort zone mo, kelangan mong mag-adjust talaga kung hindi lalamunin kalang ng sarili mo kakaisip ng mga what if's.
Sana next week, maging ok na ako at smooth na ang training and eventually side by side na with my peers. Ilang araw na yan, formal na akong lilipat sa dayshift pero for the meantime, gabi parin ang classroom training. Good luck nalang sa akin at malagpasan ko sana itong panibagong hamon sa akin ng buhay. Minsan nakakapagod na pero kelangan gawin dahil maraming umaasa sa akin. Sana lang dumating na ang taong makakapagbigay sa akin ng dagdag na moral boost at inspirasyon na rin upang magpatuloy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Twaining Week
Post a Comment