Lumilipad

Weekend na naman, paboritong araw ng mga nagtratrabaho sa office lalo na dun sa mga toxic na sa trabaho at kulang ang ilang araw na bakasyon.

Maraming plano ngayong Sabado kaso kelangan magpahinga muna at bumawi ng lakas para sa paggising sa hapon. Balak sanang dumaan kina Angelo para pagusapan ang mga bagay-bagay para sa Linggo.

Kaso mas minabuti ko nang mag Net para makapag update sa mga nangyayari sa cyberspace dahil interval nalang ako nakakabisita dahil na rin sa demand ng trabaho at kelangan ng mahabang oras ng pahinga.

Biglang umulan nang maggagabi, kaya salamat naman at malamig ang pagtulog natin ngayon.

Sana nga next week na para sahod time na at nang makabili na ako ng bagong sapatos dahil naghihingalo na siya at kelangan nang palitan. Hindi naman luho iyon kundi kelangan na talaga.

Sayang at hindi ako makakasama sa Pahiyas next week dahil na rin sa dami ng gastos eh kelangan magtipid tipid muna. Hirap talaga pag inaasahan ka sa inyo. Hindi ka makabili ng gusto mo, kelangan sila muna bago ikaw.

Maski sa lablayp bokya hehe, panay ang reminisce sa nakaraan. Sana nga mabago na ang cycle na ito at palagi nalang akong senti at emo.

***

Nagising nang maaga at naghanda para sa jogging.Hindi ko inaasahan na makakasama ko pala doon sina Rene at Thomas, after ng ilang laps huminto na kami at nag-usap nalang sa gagawin na activities ng tropa. Nakausap rin si Rowell kanina sa jogging area, grabe ang laki mo na rin ah. Kelangan mo na rin magpapapayat.

Sumaglit kina Angelo para pagusapan kung matutuloy ba ang pag canvass niya ng PS dahil balak niya isabay sa Internal cafe ang PS gaming. Pinuntahan rin si Abundio after dumaan kina Angelo, pero wala siya at nasa bakasyon daw. Sana lang eh makasabay siya sa amin sa June. Usap sandali at hinatid ako nina Rene at Thomas. Sana lang eh matuloy ang plano namin at hindi puro drawing lang.

Sarap ng panahon, malamig at walang tao sa bahay dahil lahat sila eh nasa bahay nina Uncle habang panood ang panalo ni Pacman kay Mosley. Congrats Manny sa bagong Tagumpay na binigay mo sa ating bansa.

0 Reaction(s) :: Lumilipad