Muntik na namang pasukin ang bahay namin dahil sa buntot na dala ni Chedeng. Buti naman at lumihis na siya ng landas at hindi na tumama pa sa bansa. Sa work naman, sobrang engot ko na hindi ako nagdala ng jacket o kaya payong. Alam ko naman na uulan na pero heto dahil sa katigasan ng ulo eh umalis parin na walang dala. Kaya napilitan nung isang araw na sumilong sa loob ng Commonwealth Market.
Hindi naman ako makapaglakad dahil mataas rin ang agos ng tubig. Mga ilang minuto rin akong nagpatila ng ulan. Nag-text na rin ako sa bisor ko na baka ma-late ako. Hanggang sa humina na siya nang kaunti at nakaalis na rin ako. Grabe, hindi pa naman ako nagdala ng extra na polo that time. Nag-jacket nalang ako na nakatago sa locker at saka suot para hindi mapansin. Masarap umulan pero wag naman na tipong sasabay sa pagpasok mo. Nakakapeste rin siya kahit malamig ang panahon.
Marami pang bagyo na papasok sa bansa at talaga naman. Opisyal nang pumasok na ang panahon ng tag-ulan. Hindi na naman makakatulog nang maayos ang mga tao dahil sa pagbabantay sa tuwing walang humpay ang bagsak ng ulan.

0 Reaction(s) :: Pesteng Chedeng
Post a Comment