Saturday morning. Nagmamadali na umalis sa office. Slide shift nga pero around .5.30am naman nakalabas ng office. Inantay ang friend na umuuwi rin sa Montalban na may car at makiki-hitch. Good thing around 7am nakarating na sa amin.
Nagmamadaling kumain at nagbihis para puntahan sina Angelo at Rene sa FX Terminal para mabilis kaming makapunta sa Divi[soria]. Hindi makakasabay si Thomas at babawi nalang next time. Sina Emer at Abundio naman sa may Recto na namin kikitain. Sorry guys at 8am na ako nakarating dahil marami pa akong inasikaso.
Nakarating sa LRT station by 9am. Kaunting prank kina Emer at sinabing nasa Recto na kami at bakit wala pa sila nang ganitong oras. Sorry ulit at kailangan nyo pang mag-taxi imbes na mag LRT. Hehe. Puro tawanan ang usapan nang magkita kami dahil nga sa hindi naman nag-eexist ang SM Recto at na-mistaken for Isetann ko ang place. Puro sisi at tawanan ng kwento nila mula sa Taxi driver na nasakyan nila.
Nagpatuloy ang laugh trip at kumustahan. Lalo na kay Emer, kung si Abundio eh halos isang taon naming hindi nakita, ano pa kaya kay Emer na ang huling kita ko pa eh mga 3-4 na taon na. Malaki ang kanyang pinagbago at medyo lumobo na rin siya dahil na rin sa sedentary lifestyle sa office, na walang ginawa kundi ang kumain at umupo sa loob ng 8 oras at minsan na-extend pa tuwing may overtime.
Bumaba na ng jeep dahil traffic na, dumaan sa Tutuban Mall then lakad ulit sa Divisoria Mall para mangalap na kinakailangan para sa proyekto namin na hindi ko muna sasabihin at sa takdang panahon pa. Inabot kami ng tanghali, pero si Emer lang ang nakabili matapos ng sakit ng paa kakaikot sa Mall.
Minabuting magpunta sa Quiapo para dun maghanap. Nakabili kami nina Emer at Abundio ng kailangan namin pero syempre marami pang dapat bilhin para makumpleto ang bawat isa. Past muna sina Angelo at Rene at nag-canvass muna sila. Bale next week eh or sa katapusan ng buwan bago sumapit ang June. Harinawa kahit papano kaunti nalang ang kailangan sa susunod na buwan.
Hinatid sina Emer at Abundio sa sakayan dahil meron pa silang pasok at overtime mamayang hapon samantalang kami eh sumakay na rin pauwi sa amin. Salamat sa bonding ulit lalo na kay Emer na ngayon lang namin nakita ulit. Hanggang sa muling pagkikita and hopefully kumpleto na tayo na bibili ng mga gamit and all set na tayo this June.
Nag-enjoy po ako kasama kayo. Kakawala ng weekdays stress ang bonding at tawanan ng tropa. Bukas back to reality na naman sa trabaho. Have a nice weekend guys!

0 Reaction(s) :: SM Recto atbp, teh [PS Boys] wagwagan trip - [Part two]
Post a Comment