Last Friday, pumunta ulit sa Divi for the last time. Binili na ang mga pending na gears para once in for all matapos na itong bisita na ginagawa namin. Maaga namang nakauwi kahit mga 10am na kami nakaalis dahil na rin sa palaging late ako. Masasabi kong handang handa na kami at kaunting polish nalang ng mga kailangang gamit para sa nalalapit na Toycon sa June 18.
Saturday. Jogging muna sa umaga. Naabutan si Rene, pagkatapos sumunod naman si Thomas. Napagusapan na pumunta sa Trinoma para magparegister sa gaganaping Milo National Marathon. Nag-antay up to 12 noon dahil sarado pa ang stall ng RunRio which is the official organizer sa Metro Manila Leg. Kumain muna sa Taco Bell habang nag-aantay na sumapit ang tanghali para maiba naman ang aming kinakain. Hehe.
Mahaba ang pila at malas naman at naubusan ng singlet para sa size namin. Nagpa-print pa kami ng form dahil pati iyon ay limited lang ang stock nila. After mag register online, pinapabalik rin kami as early as Wednesday
para kunin ang singlet (size XL). Umuwi rin after kasama si Prince na humabol sa registration.
Kumopya ng game kay Rene noong Friday at ngayon palang nilalaro ang Pocket Final Fantasy sa phone. At medyo nakakaadik siya kahit mahirap at hindi friendly ang gameplay niya.Sa ngayon dalawa na itong kinaadikan ko kasabay ng Pockie Ninja na online web based game naman.
Kagabi narasan ko na namang ma-reject. Hays, hirap ng ganitong pakiramdam. Siguro kung me itsura lang ako at maganda ang katawan. Baka walang sabi-sabi eh naging kami na that time. Nakaka-depressed ang ganitong sitwasyon. Up to the point na iniiyakan mo nalang bigla at imbes na sumakay ka pauwi, pinili mo nalang na maglakad nang wala sa sarili at malalim ang iniisip. Mawawala rin ito pagkalipas ng mga ilang araw. Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto mo eh nakukuha mo.
Ngayong Linggo, hindi na ako nakapag-jogging at bumawi nalang ang katawan mula sa ilang araw na pagkahapo sa lahat ng dimensyon ng buhay. As usual, whole day mag Internet na naman ako. Uuwi lang pag kakain at lalaro naman ng Final Fantasy pag-uwi. Sobrang monotonous. Wala nang pagbabago, paunti-unti ang mga byahe ngayon dahil sa hirap ng buhay at nasasagad palagi nalang sa mga hindi inaasahang gastos at hagod ng buhay.
Kelan ko kaya mararamdaman ang tunay na kaligayahan at peace of mind sa buhay. Kapag patay na ako?

0 Reaction(s) :: Baliktanaw
Post a Comment