Maagang nagpunta kina Rene dahil iyon ang meeting area namin, mga 6am nang umaga. Sa kasamaang palad eh binalita sa amin ni Thomas na hindi niya nakuha ang vest nila at hindi na ma-contact daw ang gumagawa ng vest. Nag-antay kami dun hanggang sa umabot ng 8am, sobrang gahol na iyon at nakakahiya na kina Emer at Adar na nag-aantay pa naman sa amin. Pagkatapos ayusin ang ID card na gagamit, makapag-agahan at pag-contact sa gumagawa ng vest pumunta na kami ng Marikina.
Malas talaga at malaking B.S. dahil hindi iyon ang nasa specifications na hinahanap namin. Sobrang hinayang ang naramdaman namin nun, pati na rin ako kahit may vest na ako eh gusto ko parin na kumpleto kaming lahat. Humingi nalang ng paumanhin ang may-ari at rerefund sa Wednesday. Kung bakit naman kasi na pinagawa sa iba na hindi sinasabi kung paano ang pagkakatahi kaya nagkanda-leche leche na. Sinubukan pa naming pumunta sa Palengke para mahanap yung vest na kagaya sa amin ni Angelo kaso yung tao na may alam ng mga damit na iyon eh ilang araw na daw na hindi pumapasok.
Bahala na kung anong paliwanag ang gagawin namin kina Emer na mas excited na makuha ang armor. Tumuloy na rin kami at sumakay sa MRT-Cubao,. Then kinita si Adar sa Shangrila at binalita nga na ganun ang nangyari. Minabuti na naming ituloy na rin ito at walang atrasan. Tanghali at andun pa kami sa Apartment ni Adar at inaantay si Emer habang kami eh nagbihis na rin. Mga 3pm na kami nakarating sa ToyCon at mahaba na ang pila.
Sobrang daming tao at pila sa Toycon at masasabi kong dinumog talaga siya. Sinuot na rin namin ang STARS costume namin at nakipag mingle sa ibang cosplayers, andun rin si Mike na nauna nang dumating at si Prince na photographer sana namin haha. Kahit hindi kumpleto ng armor, at baptismal of fire dahil first time namin sasabak sa ganito. Biro ko nga, kung kelan kami tumanda saka naman kami sumali sa mga ganito. Marami kaming nakitang cosplayers dun, lalo na ang ka brad naming si Leon ng Resident Evil 2, pati na rin ang 2 umbrella special ops inspired from the new game Resident Evil: Operation Raccon City kaya nakiapag-chat at picture kami with them.
Archaic version kasi kami at STARS Alpha team from the first installment of Resident Evil. Kakatuwa lang dahil nagsama-sama kami at kulang nalang eh mga kalaban namin na zombies at lalo na si Tyrant at Nemesis, kumpleto na sana ang buong team ng Resident Evil. Nakakatuwa rin na merong nagpapapicture sa amin either solo or group. Natawa din ako nung napagkamalan akong si Ralph ng King of Fighters samantalang si Joseph Frost ang character ko talaga. Daming Kawaii girls din dun at syempre alam mo yan, pa picture with them.
Bago naisipang umuwi na dahil pagod na rin, nagpa-picture muna kami sa Green Plant, sa Directory at sa Chair, sayang nga lang at bawal pa-picture sa carpark for security issues. Umaambon pa nang umalis kami sa Mega at nagtuloy sa Apartment ni Adar para magbihis. Hindi na kami kumain at merong lakad pa sila Abundio for Wolfgang concert. Kaya mga 9pm umalis na kami at sumakay na papuntang MRT. Nakarating sa bahay around 11pm. Sobrang pagod, hindi ko na nagawang ligpit ang laman ng sports bag at pinagpabukas nalang.
STARS Alpha team, salamat sa bonding at pangako sa susunod na cosplay eh pilitin nating full battle gear na tayo. At tiyak marami na namang lalapit sa atin. This is just the beginning. Salamat sa lahat at till next time. Pictures will be uploaded tomorrow. See you soon again.

0 Reaction(s) :: Day [Zero]
Post a Comment