Feel your Breeze - Gokusen OST [FanMade]

0 Reaction(s)

[Reset]

0 Reaction(s)

People can never have a reset. Nobody ever had one, and never will. The only two options you can go from where you are is either to stop or continue. One can just grab the next best thing about having nothing, but we don't pay attention to just about anything. Then you are suddenly careful. Not maybe wiser, just more careful. And to be honest, the trick is that no one is fool-proof, but you still try to hack it. Being given options doesn't mean we always have a choice. If you consider your life a thesis, know your scopes and delimitations.
-Fade to Grey, Jon's God Mode On

I don't care

0 Reaction(s)

"I don't care if we have nothing in common.  I don't care if you hate the way I talked or that I don't have a sense of humor.  I don't care that you prefer to be intimate with someone else.  I don't care that you keep your secrets under "privacy".  I don't care.  You know why?  Because that's who you are when I met you.  And I love you just the way you are."
-The Man Who Can't Be Moved, Jemar's A Broken Life, A Broken Heart, A Broken Man

Antok grabe

0 Reaction(s)
Nakakahiya at nahuli na naman akong knockdown sa office. Hindi ko na kasi nakayanan ang sobrang antok at kulang sa tulog. Eto na naman ako at maagang nagigising pag tanghali. Nakakainis. Dapat naglakad lakad pala ako para hindi makatulog eh ang ginawa ko pa hindi umalis sa upuan ko. Sana lang hindi siya maulit mamaya.

Pockie Ninja on FB

0 Reaction(s)

Well well well

1 Reaction(s)
Health and Wellness Bazaar sa company. At first ayaw ko pumunta dahil baka kung ano lang dyan. But then nung bumaba na ako sa TownHall area. Ang daming booth and nakakuha ng maraming med freebies. Nakakatuwa lang kasi minsan lang mga ganito. Sana maulit at meron pang followup sa mga clubs na sinalihan (Running, Photography).

Aktibidad

0 Reaction(s)
Lunes. SONA sa Batasan. Traffic sa Commonwealth, sana lang pagalis ko, clear na at back to normal na siya.

Lunes-Biyernes. Usual work sa office. Normal routine.

Sabado. Umaga - bago umuwi sa bahay, kitain si Thomas para kunin ang order mula kay Manong na nasa Timberland Heights at paguusapan ang gameplan namin para sa hapon.
Gabi - magkikita kita ni Thomas at Rene. Baka pumunta na sa Pasay para mag rent ng room para bukas.

Linggo. 35th Milo National Marathon. Kelangan maaga para mapasama sa 1st wave sa 5k. Sobrang dami ng participants na kelangan maaga makapunta dun. Kung hindi makakasama si William, text nalang para makahabol at magkita sa meeting place.


Salamat pren

0 Reaction(s)
Sa hindi maipaliwanag sa blog na ito ang kadahilanan, matapos makipag text sa ilang taong mahahalaga sa akin. Sa ilang sandaling pagmumuni muni sa kawalan. Hanggang sa pagdilim ng kalangitan kasabay ng nararamdaman kong pangungulila ng isang kaibigan na mapaghihingahan ng nasasaloob.

Napagisipan kong puntahan ang aking kaibigan sa San Mateo. Alam ko malayo pero siya lang kasi ang makakaintindi ng mga nasasaloob ko. Tyempo namang bumuhos nang malakas ang ulan kaya magandang pagkakataon para hindi marinig ng mga tao sa paligid. Umabot rin ng ilang oras ang kwentuhan namin. Hanggang sa mawala ang lungkot na nararamdaman ko at natuwa ako sa mga kwento niya nung nasa Cavite pa siya.

Salamat pren ah pinagaan mo ang pakiramdam ko.

Ibang tao ang turing..

0 Reaction(s)
Sa iyo,

Nakauwi kana pala mula sa ibang bansa. Mula nang malaman ko iyon sa common friend natin. Agad agad kong kinuha ang number mo mula sa kanya at tinext agad kita. Banat mo agad sa akin na nag-text ka before sa akin pero ignore mo ako. Sorry kung marami kayong kapangalan sa phonebook ko. Excited ako na makita ka sa susunod na linggo gaya ng pangako mo sa akin. Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang Linggo. Pero sabi mo busy ka at walang time. Sinabi mong hectic ang schedule mo at mga nakikipag kita sa iyo eh advance bago mo kitain. Ang sa akin lang, gusto lang naman kita makausap at makipag kumustahan, pero anung nangyari at nagbago ka na. Dahil ba sa nagawa kong kasalanan dati kaya hindi mo ako napatawad. Akala ko tapos na iyon pero hanggang ngayon parin pala meron paring invisible wall na naghaharang sa ating dalawa. Hugas kamay kanh nagdahilan at play safe palagi para hindi ka masabihan nang hindi maganda at ako palagi ang palalabasin na masama. Alam ko namang kahit kelan eh hindi mo mababasa ang post na ito kaya ok lang.

Ang sa akin lang, binigyan mo man lang sana ako ng pagkakataon na ma defend ang side ko at hindi mo ako agad hinusgahan. Ganun nba ako kasama na kahit wala ka namang ginagawa sa inyong bahay eh sinasabi mong busy ka palagi. Salamat nalang sa lahat. Alam ko magulo ang post na ito pero alam mo ang pinupunto ko. Kung ayaw mo sabihin mo lang hindi yung gagawa ka pa ng alibi para magmalinis ka. Magalit ka kung magalit hindi iyong paplastikin mo ako at nagbabait baitan ka sa akin. Wala akong karapatang magalit o mag demand. Sino ba naman ako sa buhay mo? Maski kaibigan hindi iyon ang turing mo sa akin. Ibang tao lang turing mo sa akin.

TGIF again.

0 Reaction(s)
After an umay week sa work. Yay! Friday na. Last day. Bukas attend ng binyag ng college classmate ko. Then Sunday gonna meet someone na matagal nang wala at kumustahan time. Baka mag Timberland Heights ulit para sa altitude running and Next week na ang Milo National Marathon.

[LSS] How did you Know - Gary Valenciano

0 Reaction(s)

Currently Watching and Addicting - Ao no Exorcist

0 Reaction(s)

sa Timberland ulit

0 Reaction(s)
Nagising nang maaga last Sunday para magpunta sa Timberland Heights kasama sina Thomas at Rene. Nangako akong maagang magigising pero kahit nag alarm na ang phone ng 3.30am eh nakatulog pa rin ako hanggang sa nagising nalang ako ng 4am at nagmamadaling naligo at nagbihis. Nakakahiya sa dalawa dahil palaging ako nalang ang late sa jogging. Sobrang lamig kasi ng panahon kaya nakatulog ulit ako.

Nakarating sa San Mateo paakyat ng Timberland bandang 5am, mabuti at maganda ang panahon at makakarami kami ng jogging. Sinimulan sa bandang bridge area. As usual maraming mga bikers na nakakasama paakyat. Iba talaga ang altitude training at hindi kagaya sa school oval na nakakailang lap ako dahil flat ang terrain. Sobrang hingal bandang gitna palang.

Sinabi ko nga sa kanila na dapat hindi lang once tayo dumaan dun at dalasan para sa training na rin namin next year at sasalihang 21k marathon category. Tumambay sandali para sa Timberland para magpahinga. Nilakad lang namin pababa hanggang sa sakayan at almost 10am na rin ako nakauwi.

Nang-jejegaw

0 Reaction(s)

Nang dahil sa singlet na yan..

0 Reaction(s)
Nakaabot kami ng Shangrila tapos wala naman, sinugod ang nagbabagang init ng katanghalian papuntang Galleria. Salamat naman at nakakuha kami sa may Athlete's Foot. Nakakapagod minsan yang Planetsports sa Trinoma. Palagi nalang may kulang.

Sale pa sa SM North. Gumala muna kami. Napagood kakahanap ng popcorn. Tinatakpan lang pala ng mga booths. Bumili na rin ng bagong socks dahil nauubos na sila sa bahay dahil mabigat siguro ang paa ko. Grabe ang kapal ng tao dahil na nga at Sale siya.

Sobrang traffic at bandang 8pm na nakauwi ngayon. Bukas kung makikiayon ang panahon. Sana makapag jogging kami sa Timberland at paghahandaan namin ang pagsali sa 21k event sa susunod na taon.

[Free]dom

0 Reaction(s)
History narrates the valorous struggle of heroes in the battlefield to achieve freedom from the oppressive enemy. Blood was shed, lives were lost, and many a people shouted equality and liberty. But in the modern age today, we are shackled by different chains than those of the past ages. We are bound by the cuffs of materialism, and us alone hold the key to our own self-righteous freedom.
-Interdependence, One Midnight Wolf

Minsan hindi maiiwasan..

3 Reaction(s)
na mainggit sa mga taong pinanganak na gintong kutsara sa bibig. Walang iniisip na problema mula sa pagaaral hanggang sa trabaho, minsan nga pwedeng hindi na rin sila magtrabaho o kaya manage nalang ang family business nila. Wala rin silang kahirap hirap na gawin ang kanilang mga luho. Kung anong maibigan na bilhin o gawin o puntahan. Sige lang at marami tayong pera. Meron din silang sariling sasakyan o kaya bahay kaya masasabing independent na rin at nagagawa nila ang gusto nila. Mabuti pa sila..

Unilab Run United 2 2011 on August 21

0 Reaction(s)

How can I Fall - Jed Madela

0 Reaction(s)

Pinoy Med nga naman

4 Reaction(s)
ACTUAL SENTENCES FOUND IN PATIENT'S MEDICAL CHARTS at PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH):

"Patient has chest pain if she lies on her left side for over a year." (malamang. ang tagal nun eh!)

"On the second day the knee was better, and on the third day it disappeared." (wow! magic)

"She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was very hot in bed last night." (too much info..)

"The pat! ient is tearful and crying constantly. She also appears to be depressed." (tears + crying = depressed. duh)

"The patient has been depressed since she began Seeing me in 1993." (kasalanan mo lahat doc)

"Discharge status: Alive but without permission." (gulo naman kausap)

"The patient refused autopsy." (eh baka kase gusto pa nya mabuhay???)

"The patient has no previous history of suicides." (kung meron, bangkay sana ang pasyente mo doc)

"She is numb from her toes down." (in other words, just her toes.)

"While in ER, she was examined, X-rated and sent home." (sabi ko na nga ba may nangyayaring milagro sa ospital eh)

"The skin was moist and dry." (ummm ano ba talaga??)

"Occasional, constant, infrequent headaches." (dyos ko day)

"Patient was alert and unresponsive." (alam ko na ano regalo ko sayo for xmas doc. dictionary!)

"Rectal examination revealed a normal size thyroid." (huh??)

"She stated that she had been constipated for most of her life, until she got a divorce." (yeah, husbands cause constipation)

"The lab test indicated abnormal lover function." (buti pa sya may lover)

"The patient was to have a bowel resection. However, he took a job as a stockbroker instead." (ano po ulit yun doc???)

"Skin: somewhat pale but present." (hmmm buti na lang hindi past)

"Patient has two teenage children, but no other abnormalities." (so, abnormal pala maging magulang)

***

Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May mga pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng direksyon. Mga Versions ng CT Scan:

"Dok saan po ba ang Siete Scan?"
"Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
"Doc saan po ba CT Scalp"
"Doc saan po ang CT Scam?"

***

Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.
"Doc saan po ba ang Cobal" Yes, laging walang T. Marami ang gumagamit sa term na Cobal. Saan napunta ang "T". Marami din kasing nagtatanong, "Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?"
Conclusion: Ang "T" ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.

***

7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng Instruction sa bantay ng pasyente, "Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo." 3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang Doktor, "Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon." ( Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado)!

***

Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?"
Mrs 1 : "Doc phenobarbiedoll po."
Doktor: "Ah baka po phenobarbital. " (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)

***

Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?"
Mrs 2: "Doc metromanilazole po."
Doktor: "Ah baka po metronidazole. " (Gamot sa amoeba ang metronidazole)

***

Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)

Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na Po kayo sa PACU.
Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?

***

Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit ng inyong anak?"
Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)


***

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!"
Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!"

***

Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"
Mrs. 6 : "May ketong daw po."
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?"
Mrs : "Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes."
Doktor: "Ah ketone po yon!" (Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)

***

Doktor: (Sa buntis na Mrs. na nagle-labor) "Mrs. pumutok na po ba ang panubigan mo?"
Mrs: "Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog." (Hanep!)

Minsan talaga..

2 Reaction(s)
Dumarating tayo sa lowest point ng ating buhay. Yung tipong parang wala nang nangyayaring maganda sa buhay sa lahat ng aspeto. Yung tipong pinipilit mo nalang magpakatao at maging masaya kahit alam mong sa likod nito ang matinding pagkahapo at kalungkutan sa buhay. Marahil hindi ako nag-iisa sa pakiramdam na ito. Blame it to the weather na naman. Nakakatulong pa siya para mag-emote nang ganito.

Sa trabaho, parang pumapasok kanalang dahil kailangan para may maitulong ka sa iyong pamilya. Hindi rin kasi ganun karami ang kakilala ko at masasabing tunay na kaibigan dahil syempre hindi naman iyon ang pangungahing motibo mo kaya ka pumapasok. Mangilan-ngilan lang ang masasabi mong tunay na nagpapahalaga sa iyo.

Maski sa lovelife, malas rin. Ilang buwan o taon na nga akong nag-iisa. Sobrang desperado na para mahanap ang taong pupuno sa aking pagkatao. Siguro choosy lang ako minsan, pero hindi naman ako yummy. Masarap lang ako lechonin dahil sa mataba ako. Ewan ko, kakapili ng ideal person, all ends up being alone, back to square one. Believe me, im trying to mingle with social networking sites para makakilala ng kung sino-sino. Pero wala pa rin. Hayz, ewan ko. Hanggang kailan ako mag-aantay.

Isa pa yang walang katapusang financial problem. Nakakainggit minsan mga anak ng mayaman. Pagsilang nila wala na agad silang problema, they will just do kung ano ang normal na ginagawa, mag-aral then magtrabaho and at the same time, enjoy the luxurious life. Ako, tumanda nalang ng ganito ng walang naiipon para sa sarili, hindi ma-enjoy nang buo ang sinasahod dahil kailangan magbigay sa nagdarahop na pamilya. Samahan mo pa ng mga kapatid na spoonfeed na nga sa pagaapply ko sa kanila pero hindi pa rin nakakahanap ng trabaho.

Kelan kaya ako pwede nang magpahinga at i-enjoy ang buhay na nalalabi sa mundong ibabaw. Matatagalan pa siguro. Sana nga abutan ko man lang ang sandali na iyon. Sana malapit na..

teh [Best] part

1 Reaction(s)
The best part of a relationship, is getting to call the person, or lay down next to them, and tell them all the crazy things that happened to you all day long. In the end that’s what it’s about. It’s not about sex, it’s not about the money they give you, it’s not about how good looking they are, it’s about them listening to you talk for hours and hours and hours, about stupid shit that doesn’t matter.
-this is why i love you, Siopao and Bunwich

Buhay Dekada 80

6 Reaction(s)
meme mula kay Luis Batchoy, ganito talaga pag writer's block! Buti naman at meron pa palang kasing-edad ko kagaya ni Luis, akala ko ako lang ang matanda dito sa blogger group..

Noong ikaw ay bata pa, Nagawa mo ba ang mga ito?

1. Kumakain ka ba ng aratilis?
Oo naman, lalo na't nung kabataan ko, dun sa mataas na pader ng kalaro namin dun kami madalas, pero hindi ako masyado umaakyat. Since matangkad naman ako, eh abot ko naman pati na rin ang mga balimbing na nagkalat. Kaya lang nakakatakot ang lumang bagay na katabi nito. Bukas kasi ang bintana at nasisilip mo ang nasa loob nun. Baka mamaya kung ano na ang lumabas dun.

2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
Hindi eh, yung detergent ang ginagamit namin pampabula na hinaluan lang ng gumamela.

3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
Nakakainis nga na tuwing hapon na lang, pinapatulog kami kahit ayaw naman namin wala kaming magagawa. Mga matatanda talaga.

4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
*ano yung teleber teleber?
Pag umaga puro brickgame at famicom kami. Tuwing hapon hindi nawawala na yan, lalo na ang walang kamatayang patintero mula sa tubig-kanal. Taguan pagdating ng gabi naman.

5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
Oo naman, sa simula nakikinood lang kami pero unti-unti binili na rin kami ng Gameboy na green pa ang screen at FamiCom at doon po nagsimula ang aking kaadikan sa video games.

6. Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,b, a, start? tapos maglalaro ng super mario?
30 lives sa contra yan basta any Konami SNES games ata may ganyang cheat. Super Mario 3 ang kinarir ko talaga.

7. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
Si Goma nakikita na namamangka. Unang Bench Commercial iyon. Yung ESPRIT nakikita ko na rin. Pero Mighty Kid kasi kami eh.

8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
Haha. Meron din naman na translated na rin. Mabuti nga nung panahon na iyon ganun na para mahasa ang mga bata mag English, mga tipong Yo! Joe! Pero peborit ko na talaga mga Japanese mecha nung panahon na iyon.

9. Nanonood ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie at type na type mo ang puting panty nya?
Puti ba talaga? Alam ko kasi yellow minsan eh. Hindi naglalaba ang potek.

10. Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
Yaba! Yaba! Shigi-shigi maka-shigi ruwa! Pumang Ley-Ar pumang dakila! Ginagawa namin yan with matching dance number pa.

11. Marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
Oo naman. Yung malalaking floppy disk pa nga ang naabutan ko. Pati ang green screen na PC. Mahilig ako sa Wordstar nun, mga ilang documents na rin ang nagawa ko nun. Ang Pamosong control K-S, K-B etc.

12. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
sa Batibot ba yan? Si Irma daldal and company.

13. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna.
Hindi nasagi sa isip ko yan dahil mag-ama ang tingin ko sa dalawang ito.

14. Alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
Sa Batibot ito. Yung kay Puti ang naalala ko. Pati na ang "batis, batis sariwang tubig.. uwoooooowooooo!"

15. Nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
Hindi ako masyado mahilig sa mga ganun nung panahon na iyon.

16. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
Ay Hindi ko alam ata iyon.

17. Meron kang blouse na may padding kung babae ka atMeron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
Syempre, Mighty Kid kami ng kapatid ko, kung anung bago nung panahon na iyon.

18. Nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
Nagsusulat lang ng slum notes pero hindi umabot sa ganun na gagawa pa ako. Kaloka ah!

19. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
Idol syempre, isa siya sa mga dahilan kasama na si Indiana Jones kung bakit gusto ko maging archaeologist hanggang ngayon.

20. Eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
Hindi po kami nagka-phone eh. Foor lang.

21. Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
Hindi rin ako naka-experience na tumawag dahil wala naman akong tatawagan eh.

22. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
Kabisado ko pa rin hanggang ngayon. Cute kaya si Aiza nun at crush ko siya. Kaya lang pareho na kaming nag-binata at hindi na pwede. Kasama pa niya si Lady Lee at yung mataba sa Eh Kasi na Kathleen Go Quieng.

23. at manood ng Eat Bulaga sa Channel 13 tapos nalipat sa 9 tapos sa 5 sumunod sa dos at ngayon nasa GMA 7 na..
Eat Bulaga fan kami before naging Kapamilya.

24. O kaya naman manood ng 'sang linggo na po sila ng APO sa dos..
No choice naman, hindi ko masyado iniintindi mga ganung palabas. Liban na lang nung spelling contest dati nila.

25. Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
Haha. Oo naman, kasabay ni Manong na nagdedeliver ng newspaper yan. Automatic yan either mango or Chocolate. Naabutan pa namin na nasa Bote pa sya bago nalagay sa plastic.

26. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
haha! with Matching salamin pa. Nakakahiya tuloy at nasabihan pa akong pang-babae daw ganung pencil case hanggang sa papalitan ko iyon nang mas lalaki tingnan.

27. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
Hindi ko iniisip yan, basta ako kain lang.

28. Alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
Minsan lalo na pag pista dito sa amin, naririnig ko iyan.

29.Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
Hindi kami mahilig sa mga ganyan. Laro lang talaga na pisikal. Minsan nakikilaro ng Lego sa kapit-bahay.

30. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
Ay hindi ko alam yan, yung .25c na bulaklak at memera na isda naabutan ko pa.

31. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. .. diba naninipit yun?
Hindi ako mahilig diyan. Tuyo ang gusto ko.

32. Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
Hindi po eh.

33. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
Oo naman, humanap ka ng panget, alabang girls etc.

34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
Minsan ganun, minsan yung Good Morning!

35. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
Oo naman, mura pa kaya iyan dati. Marami ka nang mabibili nung dekado 80. *sigh* mabuti pa talaga buhay dati.

36. Nanonood ka ba ng Madeline, Art Jam,Silip, detek Kids, Pahina Kokey, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, B1 at B2 at Bayani bago pumasok sa School lalo na kung pang-hapon ka?
Yup. Lahat po iyan. Pati na rin ang ibang English show na hindi ko maintindihan.

37. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo at yun ang tatawaging Y2K at pag dating daw ng year 2000 mawawala lahat ng powers ng mga appliances sa bahay nyo at mabubuhay ang buong mundo ng walang ilaw sa gabi?
Naku, wala akong pakialam kung magunaw man ang mundo nung panahon na iyon. Basta ako laro lang masaya na ako.

38. Maaga ka umuuwi pagkagaling sa school kase manunuod ka ng That's Entertainment or AngTV?
Hindi kasi TV pag-uwi, pahinga then laro na sa labas eh. Pag-uwi ko TV Patrol na.

Kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old... kapag halos lahat alam mo, nasa 18-25 ka...huwag ka magdeny.. tumawa ka na lang.. di ba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep noon at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew at lift?at higit sa lahat 4:30 na kase AngTV na or THATS ENTERTAINMENT kase inaabangan mo bagong dance steps ng UNIVERSAL MOTION DANCERS!

Mas masarap kaya ang Sarsaparilla nun at Fanta kesa sa ibang drinks. Hindi kasi ako sumasakay nun dahil malapit lang kami sa paaralan. Ang TV napapanood ko na. UMD? Sasayaw pa ako ng Always, i wanna be with you.. haha!

Mukhang nakukulangan pa ako sa mga tanong ah. Dapat dagdagan ito.

Kailan ka Darating - Wency Cornejo and Rachel Alejandro

2 Reaction(s)

Paso

0 Reaction(s)
Heto sinusubukang buksan ang kamalayan at lumalapit sa apoy. Sana nga lang at hindi mapaso at tuluyang masugatan at hindi maghilom ang sugat na maaring magawa sa isang hindi planadong desisyon.

Xandrei Lorenzo's Christening

0 Reaction(s)

Spinning Around - Kylie Minogue

0 Reaction(s)
the ultimate seductress..




Congratz Team Azkals for teh [4-0] victory over Sri Lanka

0 Reaction(s)




Asian Zone qualifying, first round, second-leg results: 3 July
Chinese Taipei 3-2 Malaysia
Pakistan 0-0 Bangladesh
Laos 6-2 Cambodia
Philippines 4-0 Sri Lanka
Palestine 1-1 Afghanistan
Macau 1-7 Vietnam
Timor-Leste 0-5 Nepal
Myanmar 2-0 Mongolia

source: Fifa.com

Isports Center

0 Reaction(s)
First na magpupunta sa Marikina Sports Center para mag jogging. 5am ang meeting time, nauna na kami ni Thomas at hahabol nalang si Rene kasama ang family niya. Medyo matagal ang byahe. 10 pesos ang entrance, dati rati free siya hanggang sa naging 5 then eto na nga 10 na, next year baka 15 na siya.

Marami-rami rin ang joggers sa area. Merong event mamaya kaya maraming upuan sa middle area. Kaya masikip nang kaunti. Naka-ilang laps rin. Cooldown sa seat area sa taas. Kaunting usap then pinuntahan family ni Rene at meron mga mini gym equiptment sa tabi ng playground. Umuwi na rin bandang 9am. Kumain muna sa Pares sa tabi lang ng sports center.

He Says

2 Reaction(s)

Ever has it grown on the tombs of my forebears. Now it shall cover the grave of my son. Alas, that these evil days should be mine. The young perish and the old linger. That I should live to see that last days of my house. Look at my men. Their courage hangs by a thread. If this is to be our end, then I would have them make such an end, as to be worthy of remembrance.
-Theoden, King of Rohan, Lord of the Rings

Hulyo sana's

3 Reaction(s)
Bagong buwan na naman
Panibagong struggle na naman sa office
Sa katapusan na ang Muilo Marathon
Planong bumili ng backpack para sa August climb
Sana magka-work na ang dalawang kapatid ko
Sana mairaos rin ang bahay namin at makapag-ugnayan sa Pagibig
Sana hindi na masaid palagi ang tinitira kong allowance sa ibang emergency expenses
Sana makatulong na ang pinsan ko para gumaan naman ang pabigat sa likod ko
Sana magka lovelife ulit dahil ilang buwan o taon na ngang nag-iisa.