Dumarating tayo sa lowest point ng ating buhay. Yung tipong parang wala nang nangyayaring maganda sa buhay sa lahat ng aspeto. Yung tipong pinipilit mo nalang magpakatao at maging masaya kahit alam mong sa likod nito ang matinding pagkahapo at kalungkutan sa buhay. Marahil hindi ako nag-iisa sa pakiramdam na ito. Blame it to the weather na naman. Nakakatulong pa siya para mag-emote nang ganito.
Sa trabaho, parang pumapasok kanalang dahil kailangan para may maitulong ka sa iyong pamilya. Hindi rin kasi ganun karami ang kakilala ko at masasabing tunay na kaibigan dahil syempre hindi naman iyon ang pangungahing motibo mo kaya ka pumapasok. Mangilan-ngilan lang ang masasabi mong tunay na nagpapahalaga sa iyo.
Maski sa lovelife, malas rin. Ilang buwan o taon na nga akong nag-iisa. Sobrang desperado na para mahanap ang taong pupuno sa aking pagkatao. Siguro choosy lang ako minsan, pero hindi naman ako yummy. Masarap lang ako lechonin dahil sa mataba ako. Ewan ko, kakapili ng ideal person, all ends up being alone, back to square one. Believe me, im trying to mingle with social networking sites para makakilala ng kung sino-sino. Pero wala pa rin. Hayz, ewan ko. Hanggang kailan ako mag-aantay.
Isa pa yang walang katapusang financial problem. Nakakainggit minsan mga anak ng mayaman. Pagsilang nila wala na agad silang problema, they will just do kung ano ang normal na ginagawa, mag-aral then magtrabaho and at the same time, enjoy the luxurious life. Ako, tumanda nalang ng ganito ng walang naiipon para sa sarili, hindi ma-enjoy nang buo ang sinasahod dahil kailangan magbigay sa nagdarahop na pamilya. Samahan mo pa ng mga kapatid na spoonfeed na nga sa pagaapply ko sa kanila pero hindi pa rin nakakahanap ng trabaho.
Kelan kaya ako pwede nang magpahinga at i-enjoy ang buhay na nalalabi sa mundong ibabaw. Matatagalan pa siguro. Sana nga abutan ko man lang ang sandali na iyon. Sana malapit na..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ganyan talaga ang buhay... kainggit nga ang mga pinanganak ng maraming pera no... :)
eMPi
July 11, 2011 at 10:07 AMtomoh, alam mo yan
Jinjiruks
July 12, 2011 at 2:59 PM