Hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil sa Takbo sa Ilog Pasig na yan, wala akong makakasabay o matutuluyan man lang, kahit kung kani-kanino na ako nag-text pero Ok lang, in the end naman walang tutulong sa iyo kundi sarili mo kaya no hard feelings at think for the best nalang.
Muntik na akong ma-late dahil sa katakot-takot na traffic mula sa Pasay Rotonda bukod pa kanina sa FX na super bagal ang byahe. Nagkukumahog sa pagtakbo iyon naman pala eh lagpas na alas-5 nagsimula ang takbuhan.
Kasabay ang mga co-workers pero sa ibang department, tinahak ang 10k race, medyo nahirapan ako pagdating ng 3k dahil sumikip ang dibdib ko kaya dahan-dahan ako sa pagusad. Nakaraos naman sa huli at umaasa na ma beat ko ang previous record ko sa Unilab Run United na 1hr, 14mins at target ko talaga bago mag 1 hour eh matapos ko ang race.
Kaunting picture-picture sa iba, sa activity area hanggang sa napagpasyahang umuwi na bago pa mag-9am para makahabol sa free ride sa MRT. Nakarating sa amin bandang alas-11 na ng umaga, salamat sa pesteng traffic sa zigzag na ilang buwan nang ginagawa ang kalsada.
Nakatulog sa sobrang pagod at gabi na nagising. Though struggling parin sa 10k eh nakakaraos naman ang inyong lingkod hanggang sa marating niya ang final goal na sumali sa mga 21k run. Hanggang sa muli..

0 Reaction(s) :: Excited sa takbo..
Post a Comment