Sabado
Comatose nang buong hapon at nagising nalang bandang 9 ng gabi. Grabeng OT yan hehe na sinamahan pa ng perwisyo ng paghuhukay dyan sa Payatas.Nag-net nalang sa notebook buong gabi at inantay nalang ang ika-4 ng umaga.
Linggo
Naghanda para sa jogging sa school oval ng San Jose, umalis sa bahay mga 4.30 ng umaga at naglakad nalang. Kahit maaga marami na rin ang nag jogging. Sumabay sa mga tanders na joggers at kung paano ma-maintain ang bilis at makarami ng laps. In the end sila rin ang bumigay at ako nalang ang nagpatuloy. Masarap talaga pag merong kang kasabayan or point of reference para alam mo ang bilis mo sa pagtakbo. Naka-ilang lap din ako nun bago ko naramdaman ang pagsisikip ng dibdib. Kinarir kasi.
Inspired rin kasi nakita ko ang crush jogger ko at ayun, nakaw-tingin palagi pag naglalapit kami or nakakasabay siya, to the point na nag counter clockwise pa ako para masalubong lang siya. Sandali lang siya at umalis rin mga ilang laps. Kaya ako pahinga na lang bago umuwi sa amin. Pero nakasalubong ko naman siya nang pauwi na ako sa amin kaya tumigil na naman ang mundo. Toinks.
Kinahapunan eh niyaya ko si Angelo na mag food trip. Dumaan saglit kay Manong Ed para tingin ng mga books at kinuha number niya para just in case may stock ng gusto ko eh makakakuha siya sa super murang halaga compared sa price sa bookstore.
Dumaan muna kami sa Puregold para maglibot libot dahil hindi pa nakakapunta si Angelo dun at nagtingin na rin ako ng ref at naghahanap ng mura pero ok. Tapos eh dumaan na kami sa Town Center at kumain sa fastfood, then nag National Bookstore para tingin ng books, then Handyman naman at nagbabakasakali kung meron silang fishing pole, hindi na kasi natuloy-tuloy yung plano namin na mangisda para maiba naman, bukod pa run ang hunting sa forest kasama Tito niya at eto pang biking lalo na't bumili siya ng mountain bike at ako naman eh papaayos ang sa akin.
Maraming pwedeng gawin, wala lang oras at resources, sana lang tumigil o bumagal ang oras para ma-enjoy naming tropa ang mga activities na ito. Paguwi eh nakaramdam ako ng pagod at antok dahil almost 24 oras na akong gising at bagsak agad sa higaan matapos maligo. Siguro sa Martes nalang ang jogging at masakit pa ang katawan at baka magkasakit pa pag pinilit.

0 Reaction(s) :: Wikend
Post a Comment