Dobol Wami sa Trapik

Kagabi

-Umalis nang 6pm, kampante na makakarating sa office before 9pm
-Mas matindi pang traffic ang naranasan dahil parehong lane na ang sinara sa paguhuhukay ng Manila Water at DPWH
-Inabot ng halos kalahating minuto sa paghihintay na walang kasigurahan kung uusad ba siya o hindi, napapamura nalang dahil anong oras na at andito pa rin ako
-Mahaba rin ang bila ng 2 terminal pauwi sa area namin, grabe ang dulot ng pesteng paghuhukay na yan,
ilang araw o linggo pa kaya na magtatagal ang mga yan
-20 minuto na late dahil sa traffic

Kanina

-Mabilis ang biyahe ng sinasakyan kong bus, mga 6am nang umalis ako sa office at tuwang tuwa naman ako sa nangyaring iyon
-Hindi ko namalayan, QC International Marathon pala at sarado ang northbound ng Commonwealth avenue, as expected nagkanda-leche leche na naman ang daloy ng trapiko at para eto lang ang nangyari sa akin, may balat kaya ako sa puwet kaya nangyayari ang mga ito
-Sobrang tagal ng usad ng sasakyan, minabuti ko nalang na bumaba at sumakay pa-Batasan area, since sarado ang kalsada eh walang nakakadaan na jeep maliban nalang dun na lumulusot sa Katipunan.
-Inabot na ng ulan kakaantay sa jeep, na hindi naman dumating kung kelan kailangan
-Sumakay nalang ng tricycle papuntang Puregold San Mateo, salamat manang sa advise
-Malakas pa rin ang ulan at sumakay naman ng jeep na pa Montalban, as usual matindi ang traffic pero hindi kasingtindi nang nangyari kagabi. Hindi na ako nakipagsapalaran na dumaan sa Litex at baka ngayong oras eh andun pa ako at baka maubos lang ang pasensya ko

Hays, sunod sunod na kamalasan sa traffic ang naranasan ko ngayon, ano kayang ibig sabihin nito, o hindi lang ako ang napepeste sa pangyayaring ito. Tanda ba ito na masyado nang maraming sasakyan at hindi naman nadadagdagan ang mga service road. Panahon na siguro na mag bisekleta nalang ang lahat at nang mabawas-bawasan ang pulusyon at bigat ng trapiko sa kalsada.

0 Reaction(s) :: Dobol Wami sa Trapik